25- IKAW LANG

63.7K 854 182
                                    

         Dedicated po sa TheSevenWriters. Salamat sa pagdedicate ng mga one shot nyo. 

JANINE'S POV:

Inihatid na ako nina Kuya Joseph sa Venue.  Ang panget naman kung magcocomute ako ng nakagown. Saka kasama naman si Ate Alice kaya hindi nakakailang na ihatid ako ni Kuya. Saka pagkatapos naman ng PROM maguusap na din naman kami ni Kuya.

Pagkarating ko sa venue pumunta ako sa group nina CJ. Pag mga 3rd year kasi OK lang naman na wala kang date kasi kawawa lang yung date kasi maiiwan lang sya kasi ang mga 3rd yung mag aasikaso sa lahat. Yung sa pagsasayaw.. sa cottillion.. mga ushers. Kawawa ang 3rd year. Kaya maeenjoy mo lang ang PROM pag 5th year ka na talaga.

"bakla.. ang ganda ,mo ahh.. alam na kung sino ang magigig PROM PRINCESS?"

"ang daming maganda sa EE na 3rd yr at 4th yr hindi na ako umaasa dyan.. at saka hindi yan yung importante sa akin ngayon"

Ang mahalaga lang naman talaga sa akin eh ang pag uusap namin ni ETHAN. Pero hindi ako nag aabalang hanapin sya. Bahala na mamaya, sasayaw pa kasi kami. Sabi ko nga sobrang busy ng 3rd year pag PROM. OK naman yung takbo ng program, gusto ko na din matapos yung mismong program proper para naman may pagkakataon na magkausap kami.

At nakakainis tama nga si CJ. Ako nga ang PROM PRINCESS, yung 4th year na EE yung PROM PRINCE. So kailangan naming magsayaw sa gitna kasama yung PROM KING at PROM QUEEN. Parang kanina lang sabi ko gusto ko syang makasama na pero hindi naman dito sa gitna ng Dance floor na si MISSY ang partner nya. Tama si ETHAN ang PROM KING at si MISSY ang PROM QUEEN.

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon