24-SORRY...

62.2K 857 108
                                    

                  Dahil 200k+ reads na ang TNL kaya may update. 

JANINE'S POV: 

Prom Night. Ang bilis din, akalain mong last week na ng March. Ok naman ang mga subject ko, nakasurvive lahat. Buti pa sila. Next sem 4th year na ako, tas 5th year tas magkakatrabaho tas mag aasawa,

tas Janine ang layo na ng nasa isip mo, Yung PROM muna ang isipin mo. Nagpaganda talaga ako ng bonggang bongga para sa gabing ito. Maglaway si Ethan.. MAGSISI kung bakit nya ako iniwan. 

"Janine.." 

Tapos na akong mag ayos ng sarili ko, nasa kwarto lang kasi ako ng marinig ko ang boses ni Ate Alice mula sa labas. Sa isang araw pa ang PROM nila, Ok na din ang Thesis nila. 

"bakit ATE?" 

"pwede ka bang makausap?" 

"nag uusap na kaya tayo?" 

"baliw. Namiss ko yan. Yang makulit na Janine." 

"ATE.." 

Pumasok na sya sa kwarto ko. Close naman talaga kami ni Ate Alice. Medyo hindi na din kami masyadong nakakapag usap kasi nga dahil ni Kuya Joseph. Namiss ko din talaga sya. 

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon