6-BOYFRIEND

106K 1.4K 203
                                    

ETHAN'S POV: 


STUDENT'S NIGHT na mamaya. Nakahanda na yung isusuot ko kaso nagdadalawang isip talaga akong pumunta. Hindi dahil ayaw kong makasama SIYA kundi dahil ayaw kong ang FIRST DATE namin eh ang daming makakasaksi.

Tas ano na nga lang sasabihin nila na BANTAY SALAKAY ako? Kapatid ng Bestfriend ko ang DATE ko? Kakainis. Gusto ko lang naman syang makasama. Yung tipong hindi masyadong halata na gustong gusto ko syang makasama.

Yung akala nya eh dahil pa din sa CHESS CLUB kaya AKO ang DATE nya ngayon. Kaya nagdecide ako na hindi na lang kami pumunta don, pero syempre dapat magkakasama pa din kami. 16:30 (casper: cencia na po kung military time eh kasi pang panggabi ka masasanay ka talaga na ganun yung format..) na nung magtext ako sa kanya na maghanda na sya.

Hindi ko pa din alam kung san kami pupunta basta ang sigurado eh mag oovernyt SYA sa bahay mamaya. Nagpalusot na nga lang ako kay JOSEPH na tuturuan ko SYA sa circuits para pumayag na sa bahay SYA matulog. Saka alam ko naman na wala syang kasama sa bahay nila ngayon. 

Nung dumating ako sa bahay nila nagtext ulit ako sa kanya. Ninakaw ko lang kay JOSEPH yung number nya. Ano na lang iisipin nya pag hiningi ko mismo sa kanya? Nung makita ko sya na pababa ng hagdan hindi ko mapigilan na hindi SYA titigan habang bumaba.

Ang GANDA nya talaga.

Habang humahakbang SYA 

bumibilis lalo ang tibok ng PUSO ko.

Ewan hindi ko alam pero nung nasa pangalawang STEPS na sya hindi ko na napigilan na lapitan SYA.

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon