30-wattpad world

59.8K 790 147
                                    

ETHAN'S POV: 

Sino nga ba ang may gustong lumayo? Sino ba ang may gustong iwan sya? Pero sa huling usap namin, sobra ko nga ata syang nasaktan kaya nakapagdesisyon sya ng ganun.

Tama naman sya. Baka kailangan ko munang isaayos ang buhay ko para pag pwede ng maging KAMI, sya na lang ang iisipin ko. Mag iisang taon na din ako dito sa Singapore at malaki laki na din ang naipon ko.

Pero aanhin ko ang lahat ng naipon ko kung wala naman sya sa piling ko. Nakakainis din kasi nalaman ko kay Joseph na aalialigid yung ERIC na yun kay Janine nung mga unang buwan na wala ako.

Buti na lang daw at nung mag sesecond sem na hindi na halos nakikita ni Joseph. Updated ako sa mga nangyayari kay Janine at nakakatuwa kasi kahit papaano hindi naapektuhan ang pag aaral nya ng nangyari sa aming dalawa. 

At ngayon nga 5th year na sya. Isang taon na lang ETHAN. Isang taon na lang. Kung iniisip nyo na hindi ako nagpaparamdam kay Janine. parang multo lang.hahaha nagkakamali kayo, hindi lang naman sa Facebook o sa text pwedeng makipagcommunicate. 

Buti na lang nung close pa kami nalaman ko ang username nya sa wattpad. Kaya nung ilang araw ko pa lang sa SG gumawa na ako ng account dun. Tas hinanap ko sya. Fulltime reader. Yun ang nakalagay sa Profile nya. Pero kahit ganun clinick ko pa din ang "become a fan" button. FAN naman nya ako eh.

Kasi sya lang ang sinisigaw ng puso ko. Nagulat ako kasi online pala sya nung time na yun. Nag chat sya sa akin. 

nate341: hi po salamat sa pagFAN.. pero bakit po? wala naman akong story dito? 

Dati ko pa iniisip kung sino yung nate sa buhay nya. Nagselos nga ako nun. Nung ipaliwanag nya sa akin nun, medyo nagblush pa sya nun. Yun yung time na nag overnight sya sa bahay.

NATE daw kasi kabaligtaran ng ETHAN. Inalis lang daw nya yung H. Ang lapad lang ng ngiti ko non. Sino bang hindi matutuwa don? Na halos ipangalandakan nya sa WATTPAD WORLD na MAHAL nya ako.

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon