16-BAHALA KA NA TALAGA

72.5K 923 168
  • Dedicated kay "Sa Lahat Ng Mababait Na Readers Ng TNL"
                                    

 Dedicated po sa lahat ng mababait na readers ng TNL. Ang lakas nyo lang hindi ko kayo magawang idamay sa TOPAK ko. Salamat guys kahit papano mga comment nyo ang nakakaalis ng TOPAK ko. 

JANINE'S POV: 




Naghanda na kami ng dinner matapos ng UTANG/INTEREST MOMENT namin. Actually ako lang pala ang naghahanda ng dinner, yung niluto ni tita para sa amin, kasi si ETHAN.. BUSY.. may katext na naman.

Di ba nung pumasok ako sa kwarto nya kanina may katext din sya tapos kung makangiti sya WAGAS. Tapos ngayon ganun din. Ang totoo MAHAL ba nya talaga ako? 

Parang ang sakit lang isipin na sinasabi nya na ako ang MAHAL nya pero may ibang nagpapangiti sa kanya. Kailangan ba mangyayari na hindi na ako masasaktan ng dahil sa mga simpleng bagay na may kinalaman sa kanya? 

"Sinong kausap mo?" 

"chicks" 

CHICKS??!!! 

Langhiya. Hindi man lang itinanggi. Walang kagatol gatol. CHICKS. Tahimik na lang akong umupo sa tabi nya. Hindi ko naman kasi sya pwedeng awayin kasi hindi naman KAMI. 

"nagseselos ka na nyan?" 

Napatigil ako sa tanong nya. Bakit wala ba akong karapatang magselos? Wala ba talaga? 

"Nagseselos ka dito?" 

Pagtingin ko sa cellphone nya. Langhiya. CHICKS nga. Yung BAKLANG ROBOT NA KWEK KWEK. Si SIMSIMI. 

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon