8-INFINITY

92.9K 1.5K 239
                                    

dedicated po kay hanamichi. Nainip na ata sya sa BF kaya binasa ito.hehe Si rukawa po ay nasa PUSO ko.hehehe 

JANINE'S POV: 

Matapos ng "HILAHAN MOMENT" namin sa may tabing daan dumiretso na KAMI sa SM Batangas,bale may mga paradahan ng tricycle malapit dun sa ISAWAN.

Pagpasok namin sa MALL ewan ko lang nakalimutan ba nya na hawak hawak pa din nya kamay ko simula nung bumaba kami ng tricycle hanggang sa pumasok kami o nasanay na lang din sya dahil sa "HILAHAN MOMENT" namin kanina? Basta ako patay malisya lang, kunwari nakalimutan ko din..tsansing na eh..hahaha ansabeh? hahaha 

"bakit puro junk foods naman yan?" 

Andito kami sa supermarket. At hanggang ngayon magkaholding hands pa din kami. At kailangan ko talagang ulitin lagi yung magkaholding hands kami? Eh di kami na nga ang magka holding hands..hahaha 

"para sa movie marathon maya. Saka sabi ko kay mommy ipagluto nya tayo" 

"akala ko pa naman ipagluluto mo ako" 

Nag assume ka naman JANINE. Ikaw nga hindi marumnong magluto eh kababae mong tao, ASA ka pa naman na marunong si ETHAN. Malamang puro ONLINE GAMES ang pinagkakaabalahan nya. Tanong mo din kaya baka may account din sya sa wattpad para i fan mo sya.hahaha 

"alam mo hindi ko naman kailangan ipagkaluto ka ngayon, magagawa ko naman yun sayo habambuhay" 

waaahhhhhh TAMA na please. OO na kinikilig na talaga ako. Grabe lang. Lumayo ako sa kanya kaya naalis din yung pagkakaholding hands namin. 

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon