ManunulatPH's Q&A

3.7K 73 6
                                    

Bago niyo basahin ang pahinang ito ay maari lamang tumayo. Magbigay-pugay sa lahat ng mga manunulat dito sa Wattpad! Oo, isa ka sa kanila kaya tara! Tumayo at kumuha ng ballpen at papel para magsimula nang magsulat. Kilala ka man o aspiring, nandito ang ManunulatPH para sa inyo!

bhoxzhmapagmahal_23: Ano po ba ang ManunulatPH?

missflimsy: Ang ManunulatPH ay isang samahan na nais makatulong sa sinumang gustong magbahagi ng kanilang talento sa pagsusulat. Kung nais mong mas mahasa pa ang talentong ito, o sadyang gusto mo lang na ilahad ang iyong emosyon sa pamamagitan ng iyong mga istorya, nandito ang ManunulatPH para samahan at gabayan ka!

darna2018: Paano po kami matutulungan ng ManunulatPH?

wave09: naghanda kami ng iba't ibang putahe sa larangan ng pagsusulat. Oo! Kung matakaw ka, pwedeng-pwede ka naming matulungan dahil ang hinahanap talaga namin ay ang matatakaw sa mga 'criticism'. Ngunit kapag ikaw ay nabilaukan, aba! Hindi na namin kasalanan 'yon.

KpopLollipop: sa ManunulatPH hinding-hindi ka na mag-iisa. Sama-sama nating isusulong ang karapatan ng mga manunulat. Charot. Pero seryoso, naghanda kami ng ibat-ibang programa na bukod sa makakatulong sa inyo ay masaya pa.

13likeaboss10: May pa-writing workshop din ba?

wave09: Pwidi piru dipindi

Username389921: anu-ano po mga activities niyo?

KpopLollipop: Yan ang dapat niyong abangan. Pero tinitiyak namin na ang lahat ng activities ay magugustuhan niyo at para sa lahat ng manunulat na gustong sumali.

L0v3l0v3lyl0v3: nagse-selfpublish po ba kayo?

Gaku3n_4ver: mapo-post po ba mga gawa namin kung gusto lang namin maglahad ng emosyon sa mga sulat namin?

Lakasmo143tol: may limit po ba sa followers?

wave09: Maari pero depende.

Cupcak3007: Anong meron sa ManunulatPH na wala sa ibang writing contest o community o organization sa Wattpad?

eamstyles13: Hindi katulad ni ex, may puso ang mga writing contest ng ManunulatPH, haha. Bawat entry, makakatanggap kayo ng personal comments or insights sa gawa nyo. Tips kung papano mas mapa-improve ang iyong pag susulat. Gagawin namin ang lahat upang makatulong sa inyo.

wave09: 'Yan ang hirap sa inyo, gusto niyo laging may comparison. Hindi ba pwedeng makuntento ka na lang kung anong meron sa ManunulatPH at 'wag ka nang maghanap ng kung anong wala? Tapos ano? Iiwan niyo ang ManunulatPH? Hindi lang po si eamstyle13 ang marunong humugot. Pati ako, pati kayo! Anong meron samin? Kayo! Kayo ang priority.

The Wattpad Filipino Block Party 2018Where stories live. Discover now