SilentInspired's Special Chapter

6.6K 459 91
                                    

Special Chapter of A Sky Full of Stars

by: SilentInspired


It is my third summer already away from home. Tatlong taon ng pag babago para sa sarili, tatlong taon para mag-hilom ang lahat.

We all love going to places, especially those that we haven't seen before but who would have thought that the place I used to hate to think of as a home will make me feel everything I only dreamt of.

The way I miss the place is surreal.

I can remember myself being down and sad because of the fact that my family moved to that place before but now, ngayon na nasa ibang bansa ako, ngayon na nililibot ko ang mundo... doon ko naintindihan yung sinasabi nila na masarap malibot ang buong mundo pero mas masarap kung kasama mo ang taong nilalaman ng puso mo.

It is also the time wherein I feel home sick then I'll ask myself where is that place I call home and there is only one place I could think of.

Argao.

Funny isn't?

To be specific... my home is in his arms.

I'm being so corny, yes, maybe it really flows in our blood.

Gustong gusto ko ng umuwi pero hindi ko alam kung kaya ko na. Nahanap na namin si Evangeline, Uno got his happy ever after already, Simon and Tulip are now very much okay and a lot of things are going on with my cousins. Pakiramdam ko, ako nalang ang hindi handa sa lahat. I feel like I'm still stuck.

"Al, saan tayo mag lunch today?" tanong ni Agatha.

She followed me here because she said she's worried. Though isang linggo lang siya dito dahil may pamilya siyang kailangan din alagaan. I'm sure Markus wouldn't be able to sleep for a week too and probably he's cursing me already because her wife is not home.

Well, sorry nalang siya.

"Hm. Maybe dito nalang sa hotel?" Suhestyon ko.

Sumama ang tingin niya sa akin at nilapitan ako. Umupo siya sa harapan ko, sakto lang para mag-lebel ang paningin namin.

"Ilang taon?"

"What?" Nag-salubong ang aking dalawang kilay. "What do you mean?" I asked properly.

Nanglambot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin at marahang inabot ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko roon at binalik din ang tingin sa kanyang mga mata. She held my hands as if she's worried and frustrated at the same time.

"Ilang taon pa ang sasayangin mo para sa kalokohan mo?"

My lips parted from what I heard from her. "Anong kalokohan ang sinasabi mo? I am doing this for myself, besides... hindi naman kalokohan ang lumibot sa buong mundo." Depensa ko.

Napabuga siya ng hangin at napailing-iling. Sandali siyang nakatingin sa malayo na para bang tinatantya niya ang sinabi ko. I only watched her while she did this countless sighs, napayuko nalamang ako at malungkot na tinignan ang aming mag-kahawak na kamay.

Nanikip ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Usually, okay naman ako. Masaya naman ako sa ginagawa ko pero this past few days, nagiging emosyonal ako. Mas na-mimiss ko ang Pilipinas at mas umiigting ang kagustuhan kong makita siya.

"Alice." She called me.

"Why ba?" Tanong ko sabay angat ng tingin.

Nag-salubong ang aming mga paningin at isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata.

The Wattpad Filipino Block Party 2018Where stories live. Discover now