iamjonquil's Story Teaser

2.7K 32 1
                                    

TEASER

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagbigyan din ni Yana ang sarili na magbakasyon mula sa hectic na trabaho. Dahil summer kaya naman beach ang naisipan niyang puntahan. At ang Balesin Island Club ang napili niyang destinasyon. Member sa naturang private island ang pinsan niya na nagbigay sa kanya ng access para makarating sa malaparaisong isla na iyon na matatagpuan sa Polillo Island sa Quezon Province.

Dahil private kaya naman animo solo niya ang naturang isla, partikular na ang kinaroroonang village, ang Bali. Wala pang isang araw sa naturang isla si Yana ay animo nawala lahat ng pagod niya sa katawan dahil sa sobrang ganda ng Balesin.

Hanggang isang hapon habang abala ang buo niyang atensiyon sa pag-ikot-ikot sa saliw ng instrumental music na pinakikinggan niya sa cellphone niya sa may tabing dagat, habang may hawak sa nakataas niyang kamay na sarong na pinapalad-palad pa ng hangin at nakapikit. Sa pagmulat niya ng mga mata ay nahagip ng isang guwapong lalaki sa 'di kalayuan ang kanyang tingin.

Ngumiti pa ito nang magtama ang tingin nila. Dahil hindi pa siya tapos umikot kaya naman napatid ang paa niya dahilan para bumagsak sa buhanginan.

Mabilis siyang nilapitan ng lalaki at inalalayan sa pagtayo. Noon lang niya mas natitigan ang mukha nito sa malapitan. A drop dead gorgeous guy na nagpatahip sa puso niya sa unang pagkakataon.

Katulad niya ay nasa isla rin ang binata, na nagpakilalang si Kid, para mag-relax.

Habang nasa isla na iyon ay palagi niyang nakakasama ang binata. Lahat ng summer sports sa Balesin Island ay sinubukan nila ng magkasama. At habang lumilipas ang mga araw ay unti-unting nahuhulog ang loob niya sa binata. Hindi niya akalain na magiging extra special ang pananatili niya roon dahil dito.

Pero masyado yata siyang masaya. Dahil matapos niyang maamin dito na gusto niya ito ay hindi na niya ito nakita pa kinabukasan.

Nang bumalik siya sa Maynila kung saan naghihintay ang trabaho niya ay muli niyang isinubsob sa trabaho ang sarili para makalimutan ang nangyari sa bakasyon niya.

Isang gabi sa dinaluhang dinner ay gumimbal sa kanya ang kaalaman na boyfriend ng kliyente niya ang lalaking nakasama niya sa Balesin Island. Bagay na nagpasikip ng husto sa puso niya... 

The Wattpad Filipino Block Party 2018Where stories live. Discover now