CengCrdva's Upcoming Series Teaser

4.9K 87 36
                                    

Cordova Empire Series Teaser

by: CengCrdva

Life is hard.

Iyon ang akala ko. Pero mas mahirap pala ang buhay kapag may apat na lalaking literal na nakabakod sa'yo.

Bawal ka nito. Huwag kang magsusuot niyan. Hindi ka pwedeng makisama diyan! Masama 'yan! At lahat ng bawal sa buhay ay narinig ko na yata sa mga bibig nila na daig pa ang sampung kautusan ng mga magulang ko.

People call them adonis but I labeled them as kontrabida ng buhay ko!

Hindi lang dahil sa mga bawal ngunit pati narin sa mga bagay na gusto kong gawin na hindi ko naman magawa dahil sa pambabakod nila sa akin.

The Cordova's... My cousins and that lucky ass twin of mine named Riggwell!

Sa lahat ng mga pinsan ko ay sila ang mga kaedad ko. I wonder how that happened. Iba iba naman ng panahon ang naging pag-aasawa ng mga magulang namin pero halos sabay sabay lang kami kung ipinanganak.

We're the first born. Actually mayroon pang isang nasa Cebu. Mabuti nalang na naroon siya dahil kung dadagdag pa siya sa mga ito... Ewan ko nalang!

"You're so damn lucky Vi!"

"Nakakainggit ka!"

"Sana nakakasama ko rin sila sa araw-araw!"

"How to be you Vivi?"

"Anong pakiramdam na kasama mo ang mga adonis kahit saan ka pumunta?!"

Ilan sa mga komentong nagpapailing nalang sa akin sa tuwing naririnig ko.

Kung minsan nga ay nagagamit pa ang katawang lupa ko para sa kalandian ng iba mapalapit lang sa mga lalaking kinababaliwan ng lahat. Seriously?

Ano nga bang pakiramdam na maging isang simpleng si Venus?

Well, unang una... Ang pakiramdam na maging kakambal ang pinakapilyo at bully na si Riggwell ay nakakabwisit! Siya iyong taong ang tanging kasiyahan ay ang mga kalungkutan ko.

Can you imagine how cruel that is?

Ang lalaking may kulay abong buhok na akala niya'y ikinapogi niya. Matangkad. Maganda ang pangangatawan, just like the rest of them pero siya ang tanging may mga matang kayang pasunurin ang mga nakakatitig. Well, except for me!

I'm so over with his playful ways. Wala ng epekto sa akin ang karisma ng kakambal ko.

Me and Riggs are definitely the opposite of each other. Siya gusto ng spaghetti, samantalang ako ay carbonara. Soda over water. Puti at itim. Aso at pusa. Ako at siya.

Kung papipiliin nga lang ako ng pupwedeng pumalit sa kan'ya ay hindi ako magdadalawang-isip na mamili ng iba.

Pero sino sa natitirang tatlong kontrabida ng buhay ko ang pupwede?

Parang gustong rumolyo ng mga mata ko ng makita ang apat na lalaking nakapwesto sa cabana habang may kani-kaniyang agenda.

Katatapos lang naming gawin ang mga water activities kanina at ngayon nga ay nagpapahinga na. Nahuli lang ako ng balik dahil dumaan si Chaz dito sa beach resort para ipakita sa akin ang concept ng sunod naming gagawing sayaw sa pangalawang linggo ng summer vacation.

Riggwell is probably busy searching for his golf equipment again. Halos dalawang linggo na niyang pinag-aaksayahan ng panahon ang paghahanap ng mga bagong gamit na kalaunan ay itatambak lang naman sa bahay!

Hindi ko narin minsan maintindihan si Daddy dahil kahit na anong hilingin nito ay siya namang agaran niyang pagbigay. Ilang golf clubs na ba ang nakatambak sa bahay? Ang isang kwarto nga yata ng bahay namin sa San Antonio ay puno na ng kagamitan niya para sa golf.

The Wattpad Filipino Block Party 2018Where stories live. Discover now