Epilogue

395 21 6
                                    

Xerafin's POV

Para akong nastatwa sa kinauupuan ko habang nakatitig sakanya. Isa si James Valderama sa mga pasaherong bumaba sa huling bus na paparating ngayong araw dito sa Batanes.

"A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang nandito ako?" puno ng takot kong sambit. He found me. Paano siya nakalaya?! Paano niya nalaman na buhay ako at nandito sa Batanes?! I'm pretty sure I left no trace behind!

Ramdam ko na tumatagaktak ang malamig kong pawis mula sa aking noo. He hasn't changed. He still has that deadly aura around him. All these traumatizing memories from the past came rushing back into my mind like unstoppable waves. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko nang bigla siyang lumapit sa akin kaya napatayo ako sa aking kinauupuan at agad umatras sakanya as if he was made of fire and I was too scared to get burnt. 

"Your good friend Joshua Madrigal told me" nakangisi niyang saad saakin. What? H-how could he?!

Agad nagtiim ang bagang ko sa aking narinig. That jerk! Dapat pala hindi ko sinabi sakanya lahat. I shouldn't have trusted him with anything. Ngayon nang dahil sakanya ay nasa panganib  nanaman ang buhay ko. He brought the devil to me. 

Para akong pansamantalang nawalan ng hininga when I saw James slowly grabbed something from his pocket. Kuminang ito sa ilalim ng ilaw. A knife.

"Please don't kill me" pagmamakaawa ko sakanya with fear in my eyes. Di ako pwedeng mamatay. I need to find Carrot.

"Sayang naman ang pinunta ko dito kung ganon" natatawa niyang sambit but I didn't find it funny. Of course I didn't. My life was on the damn line.

"Please. Wala naman akong kasalanan! Hindi pa ba sapat na pintay mo na mga kaibigan ko?!" galit kong sigaw sakanya at nanginginig ang mga kamay ko dahil sa halong takot at galit na nararamdaman ko. The terminal was already deserted dahil nagsi-uwian na ang mga pasahero.

Napalunok ako nang biglang magseryoso ang mukha ni James at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi sapat yon. It's unfair. Kailangan mamatay ka rin. I vowed to myself na tatapusin ko lahat nang may kinalaman sa anak ko. You kids were too curious kaya nalaman niyo lahat. I'm afraid that's forbidden knowledge. I was in jail kasi akala ko tapos na ang lahat. I already accepted the consequences of my action tapos malalaman kong nakatakas at buhay ka pa?! Matibay ka talaga" galit at nakangisi niyang saad. Di ko talaga maintindihan. I don't deserve this.

"You crazy bastard!" sigaw ko sakanya lalo na nang lumapit siya saakin at iwinasiwas ang kanyang kutsilyo kaya agad akong napailag ngunit huli na kaya nakatamo ako ng isang malalim na hiwa sa aking braso.

"Tsaka sabi ni Joshua gantihan ko rin daw siya. He wants you dead too." nakangisi niya pang dagdag at hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo. I ran as fast as I could away from him.
"You can't escape reality forever Velasquez" nakangisi niyang sigaw habang hinahabol ako.

Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. I felt every single strand of the adrenaline rushing through my veins down to my core. I can hear my heart thumping violently habang hinihingal ako sa bilis ng pagtakbo ko. Walang ibang pumapasok sa utak ko kung hindi ang tumakas.

I can't face my reality. It's too horrible.
Narinig ko ang halakhak ni James na di nalalayo sa akin. Sobrang lapit niya na sa akin at muntikan niya na akong mahuli ngunit laking gulat ko nang bigla siyang napaluhod habang hawak-hawak ang wrist niya, kasabay nito ang pagtilapon ng kanyang kutsilyo sa di kalayuan.

(Please play the music above. It's a must)

"Fuck!" mura niya sa sakit habang hawak-hawak ang wrist niya. Parang bigla itong nabali. Napatigil ang hininga ko dahil sa nasaksihan ko ngunit may kung ano akong naramdaman na nagwala sa loob ko when I saw Jake standing right in front of me while staring at his father.

Timeless Souls [COMPLETED]Where stories live. Discover now