Chapter 12: Pain

239 17 0
                                    

Xerafin's POV

"Good morning guys!" napatingin kami sa pinto when Joshua suddenly busted in.

"Hey Joshua" nakangiti ko ring bati sakanya.

"Hi kuya!" masiglang bati ni Carrot.

"Hello Carrot. Kiss kuya?" he asked at yumuko para magkasing-level lang sila ni Carrot. She kissed his cheeks kaya napailing na lang ako habang nakangiti. Joshua can definitely pass as a father. Minsan napapaisip talaga ako that he's too good to be true.

"You guys ready?" tanong niya at humarap sa akin. Napangiti na lang ako habang nakatingin sakanya pero agad din akong umiwas.

"Yeah" sagot ko at kinuha ko na lang ang wallet ko.

"Come on. Sa wakas matutuloy na rin" tawa ni Joshua. Ibig sabihin niya ay yung pamamalengke namin. Ubos na talaga stocks ko sa bahay.

"Let's go Carrot" saad ko naman at hinawakan na ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa tindahan.

"Manang pabili ng isang kilo nyan" saad ko at may tinuro.

Ganon ang ginawa namin for almost an hour. Tuwing may bibilhin ako ay si Joshua ang nagbubuhat ng mga plastic ng pinamili namin.

"Ayun pa. Wala ka ng ganyan sa bahay right?" tanong niya saakin at nginuso ang isang tindahan. Napalingon ako dito and nodded. Alam na alam niya rin kung ano ang kailangan ko.

Pagkatapos kong bilhin yon ay humarap na ako sakanila ni Carrot. Nanlaki ang mga mata ko when his hands suddenly intertwined with mine.

Agad akong natigilan at napatingin sakanya who is also staring at me. Nagkatitigan kami ni Joshua and vast of emotions were crossing through our eyes. Sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko at parang bigla akong nabingi. I couldn't hear anything habang nakatitig kami sa isa't isa. It was utter silence nang magsalita siya.

"Your hands fits perfectly on mine..." he whispered at sabay lumipat ang mga titig namin sa aming mga kamay na nakasiklop sa isa't isa.

It did fitted perfectly.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko kaya muli akong napatingin sakanyang mga mata.

Ngunit agad akong napatingin sa likod niya. It was Jake.

His eyes. There was something wrong

Sa hindi malamang dahilan ay unti-unting kumalas ang kamay ko sa kamay ni Joshua as if it was fading away. It didn't feel right. Pakiramdam ko may ginawa akong masama.

"Is there something wrong?" nag-aalalang tanong saakin ni Joshua dahil siguro sa pagtanggal ko ng kamay ko at mukha akong lutang habang nakatingin sa likod.

Hindi ko makuhang sumagot kaya naman siya ang unti-unting lumingon sa likod niya while my eyes remained focused kay Jake na nakapamulsang nakatingin saamin.

For a second there I saw emotions such as pain and anger consume his eyes. He looked jealous at hindi ko alam bakit ako kinabahan rito. So what?!

Di ko mapaliwanag ngunit agad akong nakaramdam ng kirot nang tumalikod si Jake at naglakad palayo. I saw how his form slowly faded away hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

"Sino tinitignan mo? Okay ka lang?" nabalik na lang ako sa katinuan nang magsalita si Joshua at hinawakan ang braso ko.

Napatikom ako at napaayos ng tayo at marahang pumikit at umiling.

"I-I'm fine. Tara?" tanong ko at hinawakan na muli ang kamay niya at ang kamay ni Carrot na mukhang may iniisip. I think she just saw what happened.

Timeless Souls [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ