Chapter 8: James Valderama

247 18 0
                                    

His POV

Inis akong napabuntong hininga at napasuklay sa sariling buhok. That fucking girl. Pati ako binabangga na.

Nakakahalata na siya. Hindi niya pwedeng malaman. Tsk. Masyadong maangas kumilos ang babaeng yon. Pagkatapos ng lahat? Masyado siyang kampante.

Isa pa, sagabal siya sa plano ko. Hindi ko makuha ang gusto ko ng dahil sakanya. Masyado siyang pakielamera.

I should teach her a lesson.

Hindi ako nagdalawang isip na mag-dial sa telepono ng isang pamilyar na numero.

"Philippine National Prison. How may I help you?" tanong ng staff kaya napangisi ako.

"I'm looking for James Valderama" seryoso kong saad habang nakangisi. Ramdam ko na agad itong natigilan. Matunog ang pangalan ni James. Kahit nasa presinto ito ay halos siya pa rin ang nasusunod. Typical.

"Of course. Sandali lang po at tatawagin namin ang inmate" saad niya at ilang minuto lang ay nasa linya na ang hinahanap ko.

"James Valderama speaking" saad ng isang pamilyar na boses.

"I have some juicy news for you Mr. Valderama. Put this conversation on private" saad ko. Kayang kaya yon gawin ni James sapagkat makapangyarihan pa rin ito kahit nasa loob na ng selda.

"Sino ka?" seryoso niyang tanong which made my smirk wider.

"It doesn't matter. Ang importante ay ang sasabihin ko sayo." sagot ko at narinig kong natahimik ito ng ilang saglit tila napukaw ang kanyang atensyon.

"It's on private. Now talk" seryoso niyang saad.

"Xerafin Velasquez. Does it ring a bell?" paninimula ko at ramdam ko na natigilan ito sa kabilang linya. His breathing deepens. Bingo.

"She's long dead. Sino ka ba ha?" medyo naiirita niyang tanong sa akin.

"Paano kapag sinabi ko sayong buhay pa siya?" nakangisi kong tanong.

"W-what?! Impossible. She was cremated. May ceremony pa at lahat lahat. I know my facts." saad niya tila hindi makapaniwala sa impormasyong binigay ko.

"Really? Gaano ka kasigurado? Don't be a fool. Alam ko kung nasan siya" saad ko.

Natahimik naman siya tila tinitimbang kung maniniwala ba sa sinasabi ko.

"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" he asked

"Simple. I want things too." I casually replied.

"Where is she?" seryoso niyang tanong at rinig na rinig ko ang galit sa boses niya.

Of course he would be mad. Akala niya napatay niya na lahat ng gusto niyang mamatay. Akala niya nanalo siya. Wrong.

"Batanes" nakangisi kong sagot without any hesitations as I sent some photos of Xerafin on his account. 

"That bitch!" narinig kong mura niya.

"So what are you gonna do about it?" nakangisi kong tanong.

"I'll kill her" he muttered.

"But you're in jail" pangkontra ko naman tila tinutukso ito.

"Watch me" he smirked.

"So kelan ka makakarating dito?" tanong ko pa.

"Soon. Real soon. What do you want in exchange? " he answered mischievously.

"What you'll do will be enough" I muttered at binabaan ko na ito ng tawag.

You'll see Xerafin. Walang sikretong di nabubunyag ika nga. Your life living in peace will soon end. Lahat ng kasinungalingan mo ay mabubunyag.

Timeless Souls [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu