Chapter 9: Sweet

265 20 0
                                    

Xerafin's POV

Naramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya naman unti-unti kong dinilat ang aking mata at nagising.

Napatingin ako kay Carrot na mahimbing pa rin na natutulog kaya naman dahan-dahan akong tumayo para hindi ito maistorbo. I went to the bathroom right after at naligo na. After drying myself up ay nagbihis na ako at tumapat sa salamin upang ayusin ang itsura ko, specifically my hair which seems to represent a bird's nest.

I was fixing my hair nang bigla ko nanaman naramdaman ang presensya ni Jake at hindi ako nagkamali nang makita ko itong nasa likod ko habang nakatingin ako sa salamin.

Di ko namalayan na nakangiti pala ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Morning Jake" wala sa sarili kong saad. Medyo kinabahan ako nang unti-unti siyang lumapit saakin.

Para akong nastatwa habang nakatingin sa repleksyon namin sa salamin. Unti-unti kong naramdaman ang kakaibang lamig na bumalot saakin kasabay nang pagpalipot ng kamay niya sa bewang ko. Napalunok ako ng wala sa oras lalo na nang ipatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Wala akong bigat na nararamdaman at kung ano man bukod sa lamig. For some reason, hindi ito basta-bastang tumatagos saakin kasi inaalalayan niya ang sarili niya. The space between us was just enough for me to feel his coldness but not enough to go through me.

Lahat ay nakikita ko lang sa reflection namin sa salamin at ramdam ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa katawan nang bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. Ramdam ko ang pagdampi ng lamig sa aking pisngi.

"Good morning cupcake" he whispered habang ang mga mata niya ay nakatitig saakin through our reflection. My heart started to beat abnormally fast. Hindi ko makuhang huminga ng maayos dahil sa presensya niya. Parang nawala yung lamig na nararamdaman ko.

It felt...normal

"Ate!"

Nabalik na lamang ako sarili ko nang tawagin ako ni Carrot kaya agad akong napaatras palayo kay Jake tila bigla akong napaso.

"Y-Yes?" nauutal kong tanong kay Carrot na tapos na rin palang naligo. Di ko man lang namalayan na nagising na pala ito at nakaligo na rin.
"Nasabi po ba sayo ni kuya Joshua na hindi muna siya makakapasok sa school ngayon?" she asked innocently. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Aabsent siya? Well that's new.

"No not yet. Bakit daw?" curious kong tanong. Joshua rarely miss teaching sa learning center. Ako lang magtuturo ngayon?

"Hindi niya po nasabi eh" saad naman ni Carrot kaya napatango na lang ako. Baka emergency. I can handle it alone anyways so walang problema.

I guess hindi rin matutuloy ang pamamalengke namin ngayon. Sayang.

"Yes! Wala rin yung gago" natatawang sambit ni Jake habang pumapalakpak kaya napairap na lang ako.

Inayusan ko na lang si Carrot para sa school at nagsimula na kaming maglakad papuntang learning center.

"Yay! Sasama si kuya Jake" excited na wika ni Carrot habang nakatingin sa likod namin. Napakunot naman ang noo ko at lumingon na rin and there I saw Jake, following us while a boyish grin was plastered on his face.

"Sino nagsabi na pwede ka sumama?" taas kilay kong tanong sakanya.

"Sino nagsabi na pwede mo kong kwestyunin?" taas kilay niya ring tanong. Aba.

Papatulan ko na sana ito pero napansin ko si Carrot na nakangiting nakatingin saamin. Napabuntong hininga na lang ako sa inis and tried to compose myself once again. Nakita ko kung paano lumawak ang ngisi ni Jake.

Timeless Souls [COMPLETED]Where stories live. Discover now