Chapter 20: Surprise

299 16 0
                                    

Xerafin's POV

Kanina pa ako hindi mapakali. My hands were still shaking habang kinakausap ko yung mga officials at pulis dito.

Kahapon pa nawawala si Carrot at kahapon pa ako naghahanap. Hindi ako natulog. Tinanong ko lahat ng kapitbahay kung nakita man lang ba si Carrot pero lahat sila hindi raw ito nakita. I was so frustrated at naiiyak na talaga ako kahapon pa. What if something happened to her?!

"Please po. Nagmamakaawa ako. She's only eight years old. Please find her" mangiyak ngiyak kong sambit while still holding the letter.

"Pasensya na miss pero hinagilap na namin ang buong isla at wala ang batang iyan dito" saad nung isang official kaya agad akong nairita. Walang kwenta.

"No! Nandito lang siya. Paano siya makakaalis ng islang ito?!" naiirita kong sambit dahil gulong gulo na ako. I'm so fucking worried! What do they mean na wala si Carrot?! Gaano ba kahirap maghanap ng isang eight years old na babae sa isang maliit na isla?! Damn it!

Umalis na ako sa office nila at ako na kusang naglibot sa buong village. If they won't find her. I will.

"Pasensya na iha pero di ko nakita iyang batang iyan" saad ng isang matandang babae na pinagtanungan ko. I was holding a picture of Carrot at iniisa-isa ko talaga ang mga bahay para lang magtanong.

"Kapag po nakita niyo please po tawagin niyo ako." I said desperately

"Oo iha. Sana mahanap mo siya" saad niya sa akin kaya wala na akong ibang magawa kundi tumango at ngitian siya nang malungkot.

Baby where are you? Ate is worried sick about you. Please umuwi ka na. Mababaliw na ko kakahanap sayo.

Magmula kahapon pa ako hindi nakakakain at nakakapagpahinga. I've been searching like crazy. Pinuntahan ko yung mga posibleng puntahan ni Carrot tulad ng learning center, bahay ng kaklase niya, yung market at iba pa pero ni isa ay wala akong nakuhang kahit na ano na makakapagsabi kung nasan si Carrot.

Sobra na akong namumutla at namumugto ang mga mata ko which was already blood shot red. Nanghihina na ako pero hindi ko ito ginawang excuse para tumigil sa paghahanap. I don't care what happens to me. Ang importante ay mahanap ko si Carrot at siguraduhin na ligtas lang siya. She's too precious.

Where could she possibly be?! Naglayas siya at ang dala niya lang ay ang mga damit niya at iba pang gamit. Napansin ko rin na nawawala ang pera na itinabi ko, Carrot probably took it. Wala akong pakialam sa kinuha niyang pera. I just want her to be safe.

Kanina pa ako nag-iisip kung bakit siya naglayas. Why would she leave me? Does she hate me for not telling her about her parents earlier? Nakakasakal na ba akong kasama? May gusto ba siyang puntahan? Did someone took her? Ayaw niya na ba sakin? Was she tired of the provincial life?

Damn it!

All these crazy thoughts are running around in my mind. I am praying so hard for her to be safe at sana ay mahanap ko siya.

Sobrang tagal ko nang naghahanap sakanya at nananakit na ang mga paa at binti ko. I found myself sa tambayan ko. Napaupo na lang ako sa bench at tuluyan nang naiyak.

This is all my fault. Kung sana'y nasa tabi niya ako the whole night imbis na nandito ako ay baka napansin ko pa siyang umalis. Maybe I could've stopped her. I'm so selfish. Buong gabi ay sarili ko lang iniisip ko habang natutulog mag-isa si Carrot sa bahay. Hindi ko inaakalang maglalayas si Carrot. She doesn't have it in her. She's always been a good girl.

Timeless Souls [COMPLETED]Where stories live. Discover now