Chapter 4: Soul Mate

337 21 0
                                    

Xerafin's POV

Maaga akong nagising ngayon kaya nakita kong mahimbing na natutulog si Carrot sa tabi ko. I smiled slightly at inayos ko ang kumot nito. We have classes today.

Tumayo na ako at agad pumunta sa banyo para maligo at ayusin ang sarili kahit maaga pa lang. After taking a bath ay nagtimpla naman ako ng coffee for myself para tuluyan nang magising ang diwa ko.

Kukuha sana ako ng tinapay ngunit napatili ako nang bahagya when someone was a few feet away from me. Jake Valderama.

"I'm hallucinating again" saad ko sa sarili ko habang umiiling at di ko na lamang siya pinansin at kinuha ang tinapay at ang baso ng kape ko bago lumabas sa bahay at nagsimulang maglakad papunta sa tambayan ko. Sakto. Sunrise.

Umupo ako sa bench while sipping my coffee and eating my bread nang may biglang lumitaw sa tabi ko. Di ko na kailangan lumingon pa to see who it is.

"Good morning!" masigla nitong bati sa akin kaya napairap ako. Mababaliw na talaga ako.

"Ano nanaman bang gusto mo ha? Huwag mong atayin bumili ako ng bawang o magtawag ng pari" inis kong sambit at nakita ko kung paano niya nilagay ang kamay niya sa dibdib niya while acting hurt because of my words.

Well di ko alam kung gumagana yung bawang sa multo kasi sabi nila sa aswang lang daw ito, but whatever. There's a priest for a reason.

"Ouch cupcake. That wounds me" may hinanakit niyang saad.

"Great" simple kong saad.

"Wow. I feel the love" sarcastic niyang saad.

"Can you even feel anything?" pambabara ko sakanya while smirking.

"Unfortunately, yes"

May binulong siya under his breath ngunit di ko naman ito naintindihan.

This is just crazy. I am talking to a ghost. I repeat. I am talking to a ghost.

"Hoy ikaw. Umamin ka nga. Bat mo ko minumulto?" mataray kong tanong sakanya and I saw him chuckled.

He looks so real.

"May minumulto bang nakuha pang tarayan at barahin yung multo?" tawa ni Jake kaya napairap ako.

"Oo. Ako. Kung di ka pa magpaliwanag, kukuha na talaga ako ng pari" impatient kong saad sakanya and I saw him smiled slightly bago ko narinig ang pagbuntong hininga niya.

"Sasabihin ko naman na talaga sayo ngayon kung ano ba talaga ginagawa ko. I'm sure you're curious bakit ako biglang nagpaparamdam after several years?" he asked kaya natigilan ako.

"Bakit nga ba?" tanong ko.

"You see, a soul gets left behind kasi may unfinished business pa sila. May kulang pa kaya hindi pa sila makaalis sa mundo. The heavens gave me time para matapos yon." paninimula niya which caught my full attention. The heavens?

"Pardon? Ano yan? May time limit?" naguguluhan kong tanong. What the hell? Anong kagaguhan 'to? Is he kidding me?

"Parang ganon na nga. Malapit na kasi kami umalis if you know what I mean" saad niya kaya napa 'oh' na lang ako.

"So what's your unfinished business?" curious kong tanong. Maybe he is asking me for help?

"Love" sagot niya kaya napakunot ang noo ko.

"Excuse me what?" naguguluhan kong sambit. Did he just answered love as his unfinished business?

"You heard me. Love. Yun yung kulang ko kaya di pa ako makalayas dito" he sighed which only confused me more. Seryoso?

Timeless Souls [COMPLETED]Where stories live. Discover now