Chapter 11: Curiosity

239 17 0
                                    

Carrot's POV

"Jake please bantayan mo muna si Carrot?" narinig kong saad ni ate kay kuya Jake na nakaupo lang sa bintana.
"Saan ka nanaman pupunta babae?" kuya Jake sighed. Hindi na nawi-weirduhan si ate kapag kinakausap si kuya Jake.

"Tutulungan ko lang si Joshua. Diba wala siya kahapon? Di tuloy natuloy yung pamamalengke namin. Bukas na lang." saad ni ate habang nakasimangot. Nakita kong umirap si kuya bago nagtanong.

"Tutulungan saan?" nagtatakang tanong ni Jake.

"May outreach program kasi dito sa Batanes so ayun." sagot naman ni ate.

Kuya Jake huffed in amusement dahil sa narinig niya. Outreach program?

"Tangina anghel ba yun? Bat mukhang demonyo?" natatawang tanong ni kuya Jake kaya sinamaan siya ng tingin ni ate.

"Jake Valderama" mapagbantang saad ni ate kaya napatigil sa pagtawa si kuya.

"Chill. Okay whatever. Ako na bahala" saad ni kuya Jake na tinaas pa ang dalawang kamay in the air as a sign of surrender.

Akala siguro ni ate ay tulog pa ako kaya kinuha niya na lang ang gamit niya bago umalis sa bahay. Pumunta na lang ako sa bathroom para maghilamos at mag-toothbrush muna.
"Princess gising ka na pala. Morning!" sabi ni kuya nang makita niya akong lumabas mula sa kwarto.

"Good morning kuya!" masigla kong bati. I really like kuya Jake. He's so nice and funny. He calls me princess too so I feel really special like those characters in the movies.

"Come on. You should eat breakfast." saad niya at pumunta siya sa lamesa kaya sumunod naman ako. Umupo na ako pagkatapos kong kuhaan ng pagkain ang aking sarili. Aayain ko sana si kuya kumain pero naalala ko na hindi pala kumakain ang mga kaluluwa.

Habang kumakain ako ay nagkwentuhan lang kami ni kuya Jake about random stuff. I would giggle at his jokes from time to time.

Sinamahan ako ni kuya sa sala at naglaro kami ng mga dolls at iba pa. He clearly didn't know how to play pero mukhang sinasabayan lang ako ni kuya. Nagkwekwentuhan kami habang naglalaro hanggang sa napadpad kami sa isang topic.

"Me and my dad would go to parks and play all day. Sasakay kami ng bike at magkakarera, we would fly kites and eat street foods together" saad ni kuya Jake and I noticed his sad smile tila inaalala ang nakaraan. He looks so sad kaya parang nalungkot din ako.

"Your dad is really supportive" pagpuri ko naman. He smiled softly and nodded.

"He is. My dad spoils me with everything. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko noon" he remembered kaya agad kuminang ang mata ko.

"Really kuya?! Kahit ano?!" excited at mangha kong tanong and he nodded.

"Yes. Proud pa rin siya sakin kahit di ako pumasa sa exam sa school ko dati" kuya chuckled habang umiiling.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"You failed exams? But kuya you're so smart!" I exclaimed. Siya kasi ang nagtuturo sa akin kapag di ko maintindihan yung topic namin nila ate. Nahihiya ako magtanong kay ate eh pero tinutulungan ako ni kuya.

"Smartness isn't always based on exams princess" he said kaya napatango-tango naman ako.

"Your dad is amazing!" I exclaimed with pure admiration. Nakita ko naman kung paano natigilan si kuya sa sinabi ko.

"He was amazing. Past tense" malungkot niyang saad kaya naguluhan ako.

"Huh? Bakit kuya?" clueless kong tanong. Pure of curiosity.

Timeless Souls [COMPLETED]Where stories live. Discover now