Chapter 49 - RD and Aia is Hart.Hart.

2.2K 42 0
  • Dedicated kay CHIX
                                    

Aia's POV

"Parang kailan lang nakatira tayo dyan sa apartment na iyan at nagkukulitan ano?" nilingon ko si RD na nakaakap sa may likuran ko. Ngumiti ako sa kanya bilang pagtugon.

Nakatayo kami ngayon sa harap ng dati naming apartment. Napadaan kami kanina dito pagkagaling sa school. Nalaman namin na wala pa palang umuupa dito and since kami din naman ang may-ari, may susi kaming dala. Sumunod lang ako sa kanya nung buksan niya iyon at bumungad sa amin yung mga gamit na nababalutan ng mga puting tela.

Pagkaalis ni RD sa nakatakip na tela sa may sofa, hinila niya akong maupo sa may tabi niya. Yumakap lang ako sa kanya at saglit na pumikit.

"Na-miss ko ito hon!"

"Ako din hon!" tumingin ako sa kanya at hinalikan niya ako saglit sa noo.

Mabuti na lang may dala kaming konting snack kaya kumain lang kami dun. Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano, nag-asaran, like the usual thing that we do before noong nakatira kami dito.

"I want to have at least three kids."

"Pardon?" segway naman kasi itong isa na 'to eh!

"Sabi ko gusto ko ng tatlong anak!" dinusog niya ako ng kaunti kaya napunta ako sa dulo nung sofa, samantalang siya humiga at ginawang unan yung lap ko.  "Dalawang kuya at bunso yung babae. 'Yun! Ganun ang order na gusto ko, ouch!" pitikin ko nga yung ilong. Magre-request na nga lang ang gusto pa may pagkakasunod-sunod! Masusunod ko ba iyon kung ako mag-aanak--- wait lang, bakit yun ang topic namin???

"Ang bata pa natin Renz Damian ah? Syaka di ba nakausap ka na ni daddy na magbe-baby lang daw tayo kapag kinasal na tayo, at ikakasal lang tayo kapag naka-graduate na ako?"

"Yeah! Kung mabe-break ko lang yung rules ni tito na 'yun!"

"Tumigil ka nga!" tinabig ko yung kamay niya naglalandas sa pisngi ko papunta sa labi ko. Nakakakiliti kaya! Tumawa lang siya sabay pisil sa pisngi ko! Waah! Ang sakit kaya!

"Pakasal na kasi tayo as soon as possible!"

"Bakit ba nagmamadali ka? May lakad ka ba ha?"

"Wala naman! Can't wait to see your not so sexy body eh--ouch!"

"Pervert!"

"Love mo naman!"

"Buti alam mo!" bumangon siya at hinalikan ako saglit sa labi.

"Tara, sa kwarto tayo. I'm sure nandun pa din yung kama mo."

"Aano tayo dun?" baliw 'tong si RD! 

"Matutulog? Bakit ba ang dumi ng utak mo? Tara na!"

"Kyaah!" wala na akong nagawa yung buhatin niya ako na parang sako ng bigas. Tss.. kung di ko lang mahal ito eh! 

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon