Chapter 38 - Disconnected

1.8K 43 0
                                    

Aia's POV

Andito ako ngayon sa unit ni RD para syempre mag-aral. Wala kasing internet ngayon sa unit ko. Pinapaayos pa lang namin kasi nagkaproblema daw sa connection.

Alam niyo, ang lantong na naman po ni RD. Bakit?

Kasi habang nagkakabisado ako nung mga pinag-aralan namin ngayong araw sa English Literature, nasa likuran ko siya at nang-iistorbo. Halik ng halik sa may batok ko. Pilit na hinahawi yung mahaba kong buhok tapos hahalik na naman dun. Tigilan mo ako RD!

"Tsk, stop it, nag-aaral ako eh!" natawa lang siya tapos tinuon na din yung atensyon niya dun sa hawak niyang libro. Pero mayamaya pa ayan na naman siya. He even bite my neck.

"Renz Damian, kapag ako nagka--" kiss mark! Nakakahiyang sabihin!

"Kiss mark? That's the proof na meron ng nagmamay-ari sa'yo!" patuloy lang siya sa paghalik sa akin hanggang sa napahiga na ako sa carpet.

"Honey..mmm!" Shems! I moaned! Si RD kasi!

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at pumunta ng kitchen. Inayos ko lang yung sarili ko at sinundan siya. Naabutan ko siyang kumukuha ng inumin sa ref niya.

"Bakit?" ewan! Yan lang ang naisip kong itanong sa kanya eh!

"Sh*t!" he cursed under his breath. Dali-dali akong lumapit sa kanya pero lumayo siya. "Pasensya na hon... ahm.. baka kasi--"

"Kasi?"

"Baka di ko mapigilan ang sarili ko at meron akong magawang di tama!"

"Gaya ng?" sorry naman! Ayaw kasing diretsuhin ni RD eh!

"Wala! Sige na, ituloy mo lang yung pag-aaral mo dun, gagawa lang ako ng merienda natin." tumango lang ako at lumabas na ulit ng kitchen.

Gumawa siya ng chicken sandwich at pomelo juice. Habang kumakain, nakaupo siya dun sa may sofa at dahil makulit ako, naupo ako sa may lap niya.

"Aia Zyln!" nagulat naman ako sa naging reaksyon niya. Anyare?

"Why? Para kakandong lang naman!" umakap lang ako sa kanya at nanuod ng tv. Naramdaman ko na ang lalim ng paghinga niya pero binalewala ko lang. Mayamaya pa, nakaramdam ako ng antok kaya nakatulog ako sa ganung posisyon.

---

"Hon, wake up! Ihahatid na kita sa unit mo, gabi na oh!" unti-unti kong idinilat yung mata ko napangiti ako ng makita ko si RD. He wear a white shirt and a khaki short. Ang gwapo niya! Nakahiga na pala ako dito sa kama niya. Umiling lang ako, sign na ayoko at pumikit ulit.

"What? Ayaw mo bang umuwi?" asar na tanong niya.

"Hmm..." sagot ko sa kanya. Meaning, OO ayaw kong umuwi, dito na lang ako matutulog. Saturday naman bukas.

"Stop moaning Aia!" ano daw? Ako? Nagmo-moan? Di kaya! Humarap ako sa kanya at tinignan siya.

"Pinagsasabi mo hon? Dito na lang ako matutulog, may lakad naman tayo bukas di ba? Pagkagising bukas, diretso na tayo dun. Talino ko di ba?" narinig ko lang siyang kumatis at akmang lalabas ng kwarto ng pigilan ko siya. "Where are you going? Tabihan mo kaya ako!" inis na humarap siya sa akin at lumapit sa akin.

"Sigurado ka ba na gusto mong tabihan kita?" seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Di ko alam kung bakit!

"O-oo naman!" utal kong sagot sa kanya.

"Aia..."

"Honey!" pagtatama ko sa kanya! Ayan na naman siya eh! Gustong pinapaalalahanan siya sa endearment namin!

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon