Chapter 17 - First Love

2.1K 44 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at nairaos na rin namin yung finals, at yes.. bakasyon na!

Nakatambay lang ako ngayon sa bahay at nanunuod ng "The Adventure Time."

Wala si RD, nakipag-date!

Opo. Di natuloy ang break-up nila ni Angeline. Kesyo ang sabi ng mga chismosa kong classmates eh hindi daw kinaya ni RD na mahiwalay sa kanya.. hayy.. sus! Pang-wattpad lang ang peg!

At ako pa ang lumalabas na kontra bida???

Suntukin ko tonsil nila eh!

Si Jake naman, tuloy pa rin sa pangungulit pero di ko masyadong pinapansin. Makulit nga eh! hehe

Si Luigi naman.. eeeh.. kashe!!!

Ayun, nililigawan na ako! O eh di kinilig naman yung mga baby fats ko kasi finally yung ultimate crush ko nililigawan ako.

Ang kaso parang may mali. Nung sinabi ko kay RD yung tungkol dun, nag-walk-out lang siya. Kinwento ko yun kay Kat, selos lang daw si RD.

Selos my gums!

At dahil bakasyon ngayon, napagplanuhan namin ni RD na umuwi sa probinsya. Miss na kasi namin mga magulang namin. Buti si daddy uuwi na sa next day galing sa business trip niya sa Japan. Sabi ko nga sa kanya, next time na pupunta siya dun, isama niya ako para makita ko si Yu Shirota sa personal! hahaha

Nakwento ko rin kay Luigi yung tungkol dun sa pag-uwi sa probinsya at pumayag din sya. Mag-leave na lang daw siya sa trabaho niya.

~I love you!

You love me!

We are happy family~

Pusa calling...

"Hello, Kat!"

(Aia! Andito na kami ngayon sa Ilocos nila mommy, ang ganda pala dito grabe!)

"Talaga? Sayang, gusto ko ring pumunta dyan!"

(Next time, ayain mo si RD, o kung busy naman siya kay Deviline, si Luigi na lang! hahaha)

"Loka! hehe.."

(Sagutin mo na kasi! Gawin mong memorable ang summer mo!)

"Haha, ganun! Ano yun, summer of love? Tapos kapag hindi na summer di na kami?"

(Yun eh kung lilipat ka naman kay RD! hahaha.. o siya sige ibaba ko na itong phone, tawag na lang ulit ako mamaya!)

"Okay! Enjoy!"

Malaki talaga sayad nung Kat na yun. Lilipat kay RD? pssh...

Ahh.. naalala ko tuloy yung sinabi niyang inlove ako kay RD! waaah.. imposible! Love ko lang siya as a friend, ganun din naman siya sa akin!

Oh eh bakit parang nanghihinayang ako?

--

Gabi na pero wala pa rin si RD. Masyado naman niyang na-enjoy ang date nila! hmmph.. kapag ako naman ginagabi, galit siya!

Hayy.. gusto ko ng spaghetti ng Jollibee. Wala naman ako kasama pumunta dun kahit gustuhin ko. Syaka anong oras na! Bakit ba di ko naisip magpa-deliver kanina?

Kumain lang ako ng dinner tapos nagpunta na ng kwarto. Okay, wattpad time muna bago matulog!

*ding-dong*

Andyan na si RD!

Dali-dali akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto.

Pagbukas ko agad na bumungad sa akin si RD at si Angeline!

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon