Chapter 25 - She's mine

2.4K 50 3
                                    

RD's POV

I think it's almost 10 in the evening nang makarating ako ng bahay. Malapit lang naman sa amin yung venue nung party na yun, dumaan lang muna ako sa isang convenient store para kumain. Hindi naman ako masyado nabusog sa mga pagkain dun sa party.

Pasalampak akong sumampa sa kama ko kahit pa nakasuot yung tuxedo ko. Hindi naman ako napagod, talagang wala lang ako sa mood ngayon.

Papikit na yung mga talukap ng mata ko ng biglang bumukas yung pinto sa kwarto ko at nagmamadaling pumapasok ang isang babaeng naka-long gown.

Si Aia.

*blaggg*

Pfft.. okay na sana entrance niya eh. Nadulas pa! tsk!

"Aiammy!" dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga ko sa kama at lumapit sa kanya ang kaso sa haba ng suot niya natapakan ko iyon at dumulas din ako. "Waaaah!"

Nasubsob ako sa kanya. Kaya ang nangyari nakapaibabaw ako sa kanya.

"Aray naman! Dobleng aray... try mo kayang umalis dyan RDelicious!" pero imbis na sundin siya nanatili lang ako sa ganung posisyon. Umayos lang ako ng kaunti para hindi siya mabigatan. Isiniksik ko yung ulo ko sa leeg niya. I like her smell. She always use the same brand of perfume I guess, still I find it more addicting to smell, just like now.

"RD..."

"Let's stay in this position for a while, I love smelling you. I like your sweet scent."

"err.. thanks! hehe... gusto mo bigyan din kita nun? Ang kaso magsasalin lang tayo sa empty na lalagyan ah, medyo mahal kasi yun eh!"

"No, I'm fine with this..." at mas lalo ko pang sinubsob yung mukha ko sa leeg niya. "Ano nga pala ginagawa mo dito, Aiammy? Di ba dapat nandun ka sa party?"

"M-masama daw pakiramdam mo. Okay ka na?"

"Pumunta ka dito dahil dun?" napangiti naman ako sa sinabi niya. Medyo iniangat ko yung ulo ko para tignan siya, at nakatingin din naman siya sa akin. Tumango lang siya at nagpumilit na tumayo. Inalalayan ko siyang makatayo. Since hawak ko yung kamay niya, hinila ko siya kaya napaupo kami sa kama.

"Uy, mukhang okay na naman, sige alis na ako. Nasa labas si manong driver eh. Uuwi na ako."

"Stay with me here please." uy, ganito din sinabi niya sa akin kagabi ah? "I-nurse mo ako, magkakasakit yata ako!" nag-puppy eyes pa ako sa kanya.

"Magtigil ka nga dyan! Anong i-nurse? Business Management ang kinuha ko hindi Nurse para bantayan ka. Syaka mukhang okay ka na naman, pauwiin mo na ---"

"Please!!! Kagabi ganun ka rin naman!"

"Tss.. fine! Wait lang pupuntahan ko lang si kuyang driver, magpapaalam ako."

"Ako na. Baka di ka na bumalik eh!"

"Wala kang tiwala sa akin? Panget mo!" di ko na siya pinansin. Lumabas na ako ng mansion para sabihan yung driver nila na umuwi na.

"Kuya, dito po matutulog si Aia, pwede niyo na po siyang iwan."

"Okay po boss. Siyanga po pala, eto po..." may inabot sa aking paper bag yung driver nila Aia.

"Ano ito?" nagtataka kong kinuha yung gamit na iyon at tinignan kung ano yung nasa iloob. "PJ's?"

"Opo. Ang totoo po niyan mga ilang minuto bago kayo bumaba eh kadarating ko lang po nun galing sa mansion. Tinawagan po ako ni Don Arthur na kumuha daw po ng pantulog dun dahil panigurado daw pong dito matutulog si Mam Aia." sa haba ng sinabi ni kuyang driver tungkol sa pajama na ito, isa lang ang pumasok sa utak ko.

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon