Chapter 12 - Outcast

2.7K 39 0
                                    

RD's POV

I'm busy reviewing my notes that I jut down a while ago. It's already six o'clock in the evening and supposed to be on my way home now, but for some reasons I'm still here at the library with Angeline. Suddenly I feel my phone are vibrating through my pocket. I did not mind to check the caller ID and answer it immediately.

"Hello?" there's an irritation in my voice, I had a long tired day.

(Renz Damian, I want you to come over here, right now!) woah! galit yata ang mommy ko!

"But mom--"

(No buts! May gusto akong linawin mo sa akin! Tita... Aia please.. Oh Renz, I'm waiting for you! Ayokong nakikipag-date ka pa kung kani-kanino dyan!) and the line went dead. Masyado akong na-curious sa galit na boses ni mom kaya nagpaalam na ako kay Angeline.

"Anj, I got to go. I'll continue doing this at home, tumawag si mommy eh!" paalam ko sa kanya habang inaayos yung mga gamit ko na nakalat sa mesa.

"You're mom is here in Manila? Oh great, sasama ako sa'yo. Finally, I want to meet her." patayo na rin siya pero pinigilan ko.

"No Anj-- I mean, uhm.. hindi pa kasi alam ni mom yung tungkol sa atin, maybe some other time. Pero hindi pa ngayon, sana maintindihan mo."

"O-okay!" then she gave me a smack kiss on my lips.

---

Someone's POV

I know everything about their family. Renz's and Aia's family.

Kahit yung kasunduan, na once na tumuntong ng 18 years old si Aia, ia-announce ang engagement nila,  a fixed marriage indeed, na matagal nang pinagplanuhan ng dalawang pamilya. With that, their company will merged, and in just a snap of fingers, the two big companies will gain more powers when it comes to business matters.

At yun ang ayaw mangyari ng daddy ko!

Kaya hangga't maaari, kahit gamitin akong nag-iisang anak niya, at i-sacrifice ko pa ang love life ko, I will do everything to ruin their plan, everything!

Lalo na't palugi na ang kumpanya namin!

---

Aia's POV

Kanina pa salita ng salita dito si tita. Nasa sala kami at hinihintay si RD. Isang oras na rin ang lumipas simula nung umuwi si Jake. After kasing sabihin ni Jake yung tungkol sa relasyon ni RD kay Angeline eh halos di ko na mabiro si tita. Masyadong naging seryoso!

"Kung alam ko lang na ganito kahihinatnan, kinulong ko na lang kayo sa probinsya!"

Ganyan lagi sinasabi niya. Di ko naman alam kung sino tinutukoy niya na 'kayo'.

Mayamaya pa narinig ko na may bumubusina, for sure si RD na yun kaya tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sofa para pagbuksan siya ng gate.

Pagbaba pa lang ni RD sa kotse niya, bakas na yung kaba sa mukha niya. Obvious naman kasi na medyo iritable ang boses kanina ni tita nung tinawagan siya.

"Si mommy?"

"Nasa sala, hmm.. RD," di ko na natuloy sasabihin ko kasi biglang sumulpot si tita sa may entrance.

"Renz, dun tayo sa room ko mag-usap." tapos tumalikod na siya. Nagkatinginan naman kami ni RD, pero ako na yung unang umiwas.

Ano ba kasi problema kung may girlfriend na si RD? Aba, magalit si tita kung boyfriend meron ang anak niya!

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon