Chapter 13 - Luigi ♥

2.1K 36 0
                                    

Thank God, at nauso ang concealer. Medyo dry na yung sugat ko kaya na-conceal ko siya. Mahirap na, baka makita ni RD, ma-interrogate pa ako, at kapag nalaman niya na yung girlfriend niyang war freak ang may gawa sa akin nito eh baka lalong magalit sa akin si Deviline.

Wait, sila pa ba or ex na lang?

Grab the opportunity!

Hmm.. yung totoo inner mind? Epal?

Bumaba na ako at pumunta sa kitchen para mag-prepare ng breakfast. Nakita ko kaagad si RD na kagagaling lang yata sa labas at may hawak na boquet of tulips.

Para kanino naman kaya yun? Kay Angeline kaya?

Lumapit na siya sa akin at iniaabot yung flowers. Waaah!! Binibigyan ako ng bulaklak ni RD? Di nga???

"For you, dinala ng delivery boy ngayon-ngayon lang." pagkakuha ko nun eh nilagpasan na niya ako at pumunta na siya sa kitchen. Nyeh, edi hindi pala sa kanya galing? Kanino naman kaya, kay Jake? Pssh..

Nakita ko may card na nakaipit sa may ribbon kaya kinuha ko ito at binuksan.

Sweetie,

I hope once you received this flowers from me, it will makes your morning a happy one. Smile and forget all those things happened to you yesterday.

I saw it, and sorry for I did not made to protect you from that sh*t.

I just let your friend to handle it! *smirks*

Meet me later. I miss you my one and only 'Sweetie'

Love lots,

Luigi ♥

Waaah!! Galing sa kanya ito???

"Kyaaah!!!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtatalon na ako sa kilig!

"Try mo kayang tulungan ako ditong gumawa ng makakain natin?" natigil naman ako kasi umepal si RD. Pssh..

Kumakain na kami ni RD nang mapansin kong nakatitig siya sa akin, kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Kailan ka pa natuto mag-apply ng kung anu-ano sa mukha mo?" napa.ha.look na lang ako sa kanya. "Ayan oh," bigla naman niyang hinawakan ng hintuturo niya yung pisngi ko, medyo napangiwi nga ako kasi maga pa yun."Nagpapaganda kay Martin? tsk.tsk. Aia!" ha? Ako nagpapaganda? Kanino kay Luigi!? Pssh.. kung alam mo lang RD!

---

Sabay kaming pumasok sa school ni RD kahit mamaya pang 10am ang klase niya. Okay lang daw kasi tatambay na lang daw siya sa library. Hindi kami masyado nag-usap sa byahe, baka kasi masumbong ko pa yung g.f niya!

"Bye RDelicious! Kita na lang tayo lunch!" isinara ko na yung pinto. Naglalakad na ako papunta sa building namin nung narinig ko siyang magsalita kaya napalingon ako.

"Aiammy, hihintayin kita ah? Sa labas tayo magla-lunch!" tumango lang ako sa kanya.

Before mag-lunch break nakita ko na may tumatawag sa akin. Agad ko namang sinagot, hindi naman siguro ito prank call or whatsoever!

"Helloo!!!" o di ba ang energetic ko?

(Sweetie?) eh?

"L-luigi?"

(Yep.. the one and only. So how's my baby?)

"I-im f-fine..hehe"

(Hey, why stammering? Hmm.. sunduin kita ngayong lunch okay? Meet me at the exit gate, I'll wait for you there. Gonna hang-up na, miss you!)

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon