Chapter 4 - That thing...

3.5K 61 1
                                    

Finally, andito na ako ngayon sa bahay. Sakto naman na dumating na rin si RD from school.

Simula kasi nung naging girlfriend niya si Angeline di na kami nagkakasabay sa pag-uwi kasi hinahatid pa niya sa bahay yung babae na yun!

Di na kami kagaya ng dati!!! :'(

"O kanina ka pa?" tanong ni RD habang hinuhubad niya yung shoes niya. Nakaupo kami ngayon sa sofa.

"Hindi, halos kadarating ko lang din. Ahmm... RD may ichichika ako sa'yo!" napatingin naman siya sa akin.

"Ano naman ang ichichika mo?" taas kilay pa niyang tanong sa akin.

"Na-meet ko na si Jake! Yung sinasabi mo na kasama ni Angeline nung gabi na hinintay mo siya sa kanila."

"Ah yung bestfriend niya." sabay sandal ng ulo niya sa couch.

-__-

"Bestfriend?" taka kong tanong sa kanya.

"Oo, mag-bestfriend sila. Parang tayo! Kaso yung kanila nag-start nung 2nd year h.s sila ni Angel. Mas matagal pa rin talaga relationship natin! hehe"

"Ok! akala ko pa naman nag-taksil na si Angeline. Kidding!"

Lumapit siya sa akin, akala ko pipitikin na naman niya ko. Yun pala hihiga lang siya sa lap ko.

"Nuh-ah! Never gagawin sa akin ni Angel yun. Tinanong ko naman sa kanya yung tungkol dun kanina, at inexplain niya sa akin lahat! Nga pala, paano naman kayo nag-meet ni Jake?" tanong niya sa akin na nakatingala pa siya kasi nga nakahiga sya sa lap ko.

Ganito naman kami lagi eh! Kung may iba nga sigurong nakakakita sa amin, for sure iisipin nila mag'boyfriend kami ni RD.

Pero hindi eh! Para lang talaga kaming magkapatid!

"Ahmmm.. Nagkita kami kanina sa caf! at alam mo nakakaasar kasi ang tawag niya sa akin eh My Princess eh di ba si Aia ako!?" sinasabi ko yun sa kanya habang bina-brush ko yung mga daliri ko sa buhok niya.

"Baka type ka nun!"

"Weh??? Sus parehas kayo ng sinabi ni Kat sa akin, crush daw ako nun!"

"Dalaga ka na Aiammy ko!" sabay pinch niya sa cheek ko.

"Tss... ewan! Tapos lam mo, si Kat binigay pa yung cp # ko kanina dun sa lalaki na yun! RDelicious, what if kung manligaw sa akin yun??" sabi ko sa kanya.

"Eh di i-entertain mo! Don't worry, welcome siya dito sa bahay!" chin ko naman ang pinisil niya.

Minsan nga kapag eto ang kasama ko, kahit di na ko mag'blush-on okay lang kasi namumula na mukha ko.

"Lam mo RD pansin ko binubugaw mo ko eh!" reklamo ko sa kanya.

"Eh akala ko ba gusto mo nang mag-boyfriend ha? Kaya ayun, sina-suggest ko lang naman si Jake, since parang nagpapakita naman siya ng interest sa'yo base na rin sa kwento mo!"

"Renz Damian, seriously?" sabay tayo ko, kaya ayun nahulog siya.

"Aray!... tsk.. *himas sa likod niya* Ayaw mo nun, ung best friend ni Angel boyfriend mo?! Para kapag may date, double date tayo! What a bright idea di ba?!" itinaas pa niya yung hintuturo niya.

Ano akala niya? Biglang may bulb na umilaw? Imagination din nito minsan eh!

Isang malaking bugaw talaga 'to eh! Tell me earthlings, pano ko naging kaibigan si RD!

Pero okay din yun ah! hehe

"Ewan ko sa'yo! Dyan ka na nga, gawa mo ko meryenda ah, sa kwarto lang ako, tawagin mo na lang ako kapag okay na! hehe" sabay takbo sa kwarto ko.

Make You Feel My LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon