Epilogue

556 17 1
                                    

Napikit ako habang nilalanghap ang sariwang hangin malayo sa kaharian ni Yzen. Napatingin ako sa dagat at sa kalayuan kitang-kita dito ang mga huni ng mga ibon na dumadapo sa mga sanga at ang mga nagsasayawang puno at halaman. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Sa nakalipas na isang buwan ang daming nabago sa mundong ito. Matapos ang pangyayari bumalik na ang lahat sa dati.

Ang akala ko ay hindi ko mawawakasan ang nakatadhana sa akin, dahil sa tulong ng dalawang prinsipe nagawa kong mapatay ang demon na si Revelorr. Nahirapan akong kalabanin ito dahil sa napakalakas ng kapangyarihan niya.

At ang pagdating makapangyarihang mangkukulam at ang aking ina kasama si Tiana sa labanan ay nagdulot sa akin na pag-aalinlangan at pagsisi na mapatay ko ang sarili kong ama.

Nalaman ko rin na ang si Urbhina ang tunay kong ina. Matapos ang pangyayaring iyon, wala akong ginawa kundi ang matulala. May halo akong demon at isang witch.

Nasagot ang katanungan kong papaano ako naging isang deviant blood kung anak ako ng isang demon at isang witch.

Ang sinagot ng aking inang si Urbhina. "Dahil kay Thesus, may dugong mortal ang aking lolo. Nang mamatay si Thesus ang akala ng mga witch ay wala nang natitirang deviant blood pero nagkaanak ito, si ama. At nang mag-asawa ay ako naging bunga. At ikaw ang ika-apat na deviant blood na nagtapos sa nakasaad sa propesiya."

Nakita kong may lungkot sa mga mata ng aking ina. Alam kong mahal niya parin si ama, pero nakasaad na sa propesiya ang lahat ng nakatadhana sa amin. Maging ako ay nalungkot, ni minsan hindi ko naranasan kung paano mag-mahal ang isang ama.

Malalim ang hugot ko na aking hinanga. Naramdaman ko naman may papalapit sa akin sa likuran, hinarap ko ito agad at mapangiti.

Tumabi siya sa akin na walang reaksyon. Agad din nawala ang ngiti ko. Naririnig namin ang mga alululong ng mga lobo hudyat ito na ang pamamaalam sa isang alpha. Nalaman ko na iniligtas ni Sen ang isang babae na siyang luna ng mga werewolves pero pinatay niya rin ang sarili nito.

Masakit para sa kanila ang mawala ang siyang namumuno sa mga lobo.

Napatingin ako kay Yzen na walang emosyon. Naging malapit sila sa isat-isa ni Sen kaya naman kahit hindi niya ito ipakita ay nasasaktan siya.

Napatingin ito sa akin. Nanlaki ang mga mata kong lumakap ito sa aking likuran.

"May balak akong agawin ka kay Silva." Napalingon ako sa kaniya na hindi makapaniwala. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, nahihirapan din akong gumalaw.

"Mahal na prinsipe, pakiusap bitawan mo ako." pagsusumamo ko. Binitawan niya rin ako agad. Kung nakita lang ni Silva ito paniguradong mag-aaway na naman silang dalawa.

Napabuntong-hininga ito. At muling tumingin sa akin. "Patawad." sambit niya. Tumingin din sa malayo. Ramdam ko ang malakas na hangin na tumatama sa aking buhok

"Yung ilaw sa kuwintas mo. Galing ba iyan kay Limous?" Napatingin naman ako sa kuwintas. At hinawakan ito. Binigay ito sa akin ni Ina ng makuha nila ito sa trono ng demon.

"Oo." sagot ko.

Tumango lamang siya.

"Halika na. Nag-iintay na ang iyong prinsipe, prinsesa." nakangisi niyang sabi. Nilahad niya ang kamay niya agad ko din itong hinawakan

Nakarating kami ng kaharian, pagpasok palang sa tarangkahan ay nakikita ko na naman ang mga paindre na nakaukit sa pader.

"Ang paindre ay hindi ginawa ni ama. Ang nag-ukit lang nito ay isang salamangkerong may talento sa pagguhit. Hindi ko alam kung sino ang mga mensaherong nagpaparating ng mga haka-haka." Napatingin ako sa kaniya. Napatango lang. Nalaman ko rin na ang golden door ay pangangalaga ni Yzen kapag may ibang at nakagamit ng kapangyarihan nakapasok ay kusang magkukulay ginto ang kaniyang mata.

Pagkapasok ay nakita kong masama ang tingin ang ipinukol sa amin ng prinsipe. Binitawan ako ni prinsipe Yzen at iniwan kaming dalawa ni Silva. Di ko siya matawag na prinsipe dahil mas gusto niyang tinatawag ko siya sa pangalan niya.

Ngumiti ako sa kaniya at siya namang masama ang tingin. Lumapit siya sa akin.

"May nagawa ba ako, Silva?" Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Labis talaga ang panibugho ng aking prinsipe kay prinsipe Yzen. Ayaw na ayaw niyang humahawak sa akin ang kapatid niya.

"Ayaw na ayaw kong hinahawakan ka niya, purong dugo." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Galit siya. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.

"Hindi ka dapat nagagalit ng ganyan, alam ng prinsipe na ikaw ang mahal ko. At di niya ako maagaw sayo dahil sayo lang ako."

Hindi na ako nagulat na mabilis niya akong dinala sa kaniyang malaking silid. Inihiga niya ako sa kaniyang kama. Tinignan niya ako na punong-puno ng pagnanasa ang kaniyang mga mata. Inilapit niya ang mukha niya sa akin.

Napakagat labi naman ako habang siyang nakatingin siya aking mga labi at ngumiti rin agad. Unti-unti na sanang paglalapitin ang aming mga labi ay agaran din nahiwalay. Hindi namin inaasahan na makikita kaming nasa ganitong pwesto. Napaupo agad ako at napayuko dahil sa kahihiyan. Hindi niya sinarado ang pinto ng silid.

Napatingin ako kay Silva na hindi maipinta kung anong ang magiging reaksyon niya.

Ang aking Inang sina Urbhina at Cadeza, ay nanlaki ang mga mata. Si Tiana nama'y natuwa sa nakita at si Prinsipe Yzen na nakatingin sa ibang direksyon.

WAKAS

****************

Thank for reading everyone. Salamat po sa mga nag-vote at pagfollow sa akin at pag add sa inyong reading list :) Pasensiya na typo error at grammatical error huli ko na napaalalahan pasensiya na talaga.

Ps. Ni minsan di pa ako nagsusulat ng story. Ngayon lang talaga. Para sa baguhan na katulad ko wala pa akong experience sa pagsusulat. Ito ang kauna-unahang gumawa ako ng story.... thanks again guys<3

ateSimoun

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon