Kabanata 11

510 22 0
                                    

Sen's POV

Nandito ako sa Wulfgar.

Bwisit na bwisit ako dahil may mga umatake na naman na mga demonyo sa Vamphir de las Sanger. Nasaan na ba kasi ang prinsipe?

Napasabunot na lang ako habang iniisip ko ang binibini, nag-aalala ako sa lagay niya na baka mapahamak siya.

"Alpha, May problema ba?" napalingin ako kay Dolas, isa siyang beta.

Iniling ko ang aking ulo. "Wala naman." sambit ko.

"Kailangan mo nang hanapin ang iyong—aming luna, alpha."

"Si Hilda ang gagawin kong luna."

"Ngunit alpha. Hindi siya ang mate mo ang kailangan namin ay yung mismong nakatadhana para sayo."

"Wala akong pakealam."

"Alpha! Nilalagay mo lang sa kahihiyan ang ating pack! Sa tingin mo ba magugustuhan ng nasasakupan mo ang gawin siyang luna?"

Naiyukom ko ang aking kamao at masama ko siyang tinignan. "Wala kang pakealam sa mga desisyon ko Dolas!"

"May pakealam ako dahil... nandito ako bilang kaibigan mo hindi bilang isang beta na nagsusunud-sunuran sa mga inuutos mo. Hindi mo kasi naiintindihan, alpha."

"Kung ganon. Ipaintindi mo."

***********
Silva's POV

Kanina pa tumila ang ulan.

Ako ay nakaupo sa batuhan habang nakatitig sa natutulog na dalaga habang nakakadena. Hindi ko maipagkakaila na napakaganda niya. Mas maganda pa siya sa kaniyang ina.

Lumapit ako sa kaniya at dinikit ang aking kamay sa kadena para mawala. Binuhat ko siya at mabilis na lumisan sa kweba.

Nandito na ako sa aking tuluyan.

Napunta ako sa aking kwarto at hiniga siya sa malambot na kama at kinumutan.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha siya.

Napangisi na lang ako. "Ikaw pa lang ang nakakahiga sa malambot kong kama, purong dugo. Kailangan pasalamatan mo ako paggising mo."

Hiniwalay ko ang mukha ko sa mukha niya atsaka ako’y umalis na sa kwarto.

**********
Third Person's POV

Napangiti na lamang ang oracle habang pinapanood si Silva sa isang kristal habang nakahiga ang dalaga.

Naaayon ang lahat sa propesiya, saad niya sa kaniyang isipan.

Samantala, kakabalik pa lang ng prinsipe sa palasyo. Nang may hindi siya inaasahang mangyari. Nag-lagablab sa galit ang prinsipe dahil ang nakikita niya ay mga patay na mga bampira at may ilang din naging abo ng demonyo.

"Mga demonyo?!" galit na sabi ng prinsipe.

"Mahal na prinsipe!" napalingon siya kay Califtre.

"Nasaan ang iba?"

"Nasa loob sila."

Mabilis naman nakapasok ang prinsipe sa loob. Nakita niya ang nakukumpulang mga bampira.

"Ang mahal na prinsipe!" agad naman silang nagsiyukuan ng makita nila ang prinsipe.

Napangisi na lang ito.

Nagsisimula na ang propesiya, saad nito sa kaniyang isipan.

**********
Note: Hi readers! kung may nag-aantay man ng update ko pasensiya ka na iiklian ko lang pag-uud ko dahil nagiging busy ako, choss hahaha! Masama lang talaga pakiramdam ko.

Vote and comment.

Deviant BloodWhere stories live. Discover now