Kabanata 18

425 16 0
                                    

Third Person's POV

"Tiana?" sambit ng isang babae na nasa loob ng selda. Napakarumi nito, punong-puno ng gasgas ang katawan at halos hindi na ito kumakain.

Nakakaawa mang tignan. Halos ikamatay na niya ang pagpapahirap sa kaniya ng mga bampira. Ngunit tinibayan niya pa ang loob para makita muli ang dalaga sa huli niyang hantungan.

Lumapit siya sa bakal para makita niya si Tiana, isang nakakaawang tinignan ni Tiana ang babae. sabi niya, "Cadeza..."

"K-kumusta a-ang aking anak. Si Serafia, asan siya?" nangangatog na tanong ng babae.

Naiyak si Tiana sa nakikita niya, ito ang unang pagkakataon na nakita niya si Cadesa na naghihirap. Tuso talaga ang mga bampira.

Naiiyak niyang sabi, "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nasaan siya, Cadeza."

Nanlumong tinignan ni Cadeza si Tiana, at napaiyak na lamang, "P-paano?"

"Isinama ako ng prinsipe na pumunta sa mga mortal, naiwan si Serafia dito sa palasyo. Simula ng makabalik ako dito ay hindi ko na siya nakita pa."

Napahikbi na lang si Cadeza sa narinig niya, natatakot siya, natatakot siya sa mangyayari sa kaniyang anak—o hindi man tunay niyang anak pero napamahal na siya sa dalaga.

Kaawa-awa kong kaibigan, saad ni Tiana sa isipan.

Napatingin si Tiana kay Cadeza na humihikbi, nasasaktan siya para rito. Kung siya man ang nasa kalagayan ni Cadeza wala siyang ibang iisipin kundi pangungulila sa anak.

Lumuhod siya para magkapantay sila ng tingin, hinawakan niya ang dalawang kamay nito at inangat ang mukha nito.

"Itatakas kita at hahanapin natin siya."

Nagkaroon naman ng pag-asa si Cadeza, ngunit hindi parin niya maiwasan mangamba, isang ngiti ang binigay niya kay Tiana.

Napaikot naman ang ulo ni Tiana baka sakaling may mga bampirang lalapit sa mga bawat selda. Hinawakan niya ang 'lock' at mabilis na binuksan ang bakal.

Napatayo naman si Cadeza, ngunit hindi pa man niya natutiwid ang kaniyang tuhod ay bigla siyang bumagsak.

Namimilipit naman siya sa sakit.

Mabilis na lumapit si Tiana upang maitayo si Cadeza na namimilipit sa sakit, nag-cast siya ng spell para mapagaling ang mga pasa at mga bali sa mga binti nito.

Nang matapos ay nakakatayo na ng tuwid si Cadeza, ngunit bakas parin sa kaniya ang pagod at mga pasa sa pisngi.

Napangiti siya sa kaniyang kaibigan, "Salamat."

Sumabat si Tiana, "Kailangan na nating makaalis."

Tumango siya, mabilis na tumakbo ang dalawa at nagpalingon-lingon, kung maari lang gamitin ang spell palabas sa loob ng palasyo ay kanina pa nila ginawa. Ang paggamit ng spell ni Tiana sa loob ng selda ay naramdaman agad ng mga bampira, kaya mabilis silang umalis sa selda.

Kung gagamitin ang spell dito sa palasyo para makalabas ay malalaman ng mga bampira kung saan sila pupunta. Sa oras na gamitin ang spell o ibang kapangyarihan ay mararamdaman agad nila na may iba pang nilalang sa loob ng palasyo.

Kunektado ang kakayahan nila sa golden door. Kapag nawala ang bagay na iyon ay mawawalan narin ng bisa ang kakayahan nila. Magiging isa narin silang mortal.

Ang golden door ay isa konektado kay prinsipe Yzen, humihigot ito ng kaluluwa.

Nagtago ang dalawa sa masikit na pader, at mabilis na hinablot ni Cadeza ang nakatalikod na bampira at sinaksak nito ang konektado sa banding dibdib sa likuran.

Nakuha niya ang kulsilyong iyon kay Tiana.

Napangiti siya rito, "Nararamdam ko ang napakalakas na presensya ng prinsipe."

Tumugon naman agad si Tiana.

Sabay silang nagcast ng spell, levorion segkur lahgic serhra tumpas!

Nasa harap na nila ang portal kaya mabilis ang galaw nila para makapasok agad.

Natagpuan nalang nila ang kani-kanilang sarili sa malagubat na daan.

Nagkatinginan ang dalawa.

"Nasaan tayo?" tanong ni Cadeza.

Tinignan nila ang buong paligid, ang bawat puno at may sari-sariling ukit. At ang mga maliwanag na apoy sa pinakadulo ng daan. Kung tama ang hinala ng dalawa ay narito sila sa...

"Lombus Shedion Demon." sabay na bulong ng dalawa bago magkatinginan.

"Narito tayo sa teritoryo ng mga demon." sambit pa ni Cadeza.

************
"Lord Revelorr narito na ang hinahanap mo." demonyong napangiti si Revelorr sa iniregalo sa kaniya, ang napakaamong mukha ng dalaga.

Bakas naman sa mukha ng dalaga ang takot, nagpumiglas ito sa nakahawak na mga kamay ng tumugis sa kaniya.

"A-anong k-kailangan niyo sa akin?" utal-utal na tanong ng dalaga.

Umalis naman si Revelorr sa kaniyang trono at lumapit sa dalaga, hinawakan niya ang baba ng dalaga at itiningala. Napangisi siya rito, "Kailangan ka namin para mahuli ang Deviant blood."

Nanlaki naman ang mata ng dalaga, marahang nagpumiglas sa mga nakahawak sa kaniya. Naniningkit ang mga mata na nakatingin kay Revelorr.

"Hinding-hindi muna ako mauutusan." diin na sambit ng dalaga.

Napangisi naman si lord Revelorr, "Wala kang magagawa kundi sumunod sa akin, Astra." ibinuka ni Revelorr ang kaniyang bibig. Kasabay ng pagpula ng mata. Hinawakan niya ang ulunan ng dalaga, nangmasakop na niya ang dalaga, kinuhaan siya nito ng kalululwa. Ang mata ng dalaga ay kulay itim ay agad ring bumalik sa dati. Walang buhay ang emosyon nito.

Nakangisi muling bumalik si Revelorr sa kaniyang trono.

"Dalhin mo sa akin ang purong dugo."

*************
Malapit na malapit na talaga😂 alam kung sawang-sawa kana sa magulong storyang ito. Pero salamat parin dahil sa patuloy na pagbabasa mo.

Tuwing sabado lang ako nakakaupdate  o sa linggo, sa susunod na sabado o susunod na susunood na weekend... choss. Hahaha! Thanks again. I love you.

Deviant BloodWhere stories live. Discover now