Kabanata 22

395 15 0
                                    

Serafia's POV

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko habang hila-hila ni Silva ang kamay ko. Kanina niya pa ako hawak-hawak at kada tanong ko sa kaniya isang ngiti lang ang sinasagot sa akin.

Katulad pa rin kanina sa tanong ko isang ngiti lang binigay niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam kong ngiti nanaman ang isasagot niya.

Malayo na rin kami sa mansyon.

Nang makarating kami sa aming kinaroroonan, sa isang kainan. Kung titignan, karamihan ay puro bampira ang lahat ng nandito pero may ilan din ako nakikitang iba pang nilalang na kumakain dito.

Napatingin ako kay Silva na hinila paatras ang upuan at hinawakan ang kamay ko at maayos na pinaupo. Kung iisipin para ako isang prinsesa.

"Ngayon ka lang ba nakapunta rito?" tanong niya.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

Ngumiti siya. "Alam mo, ikaw pa lang ang kauna-unahang binibini ang dinala ko sa ganitong klaseng lugar."

Napakunot-noo akong tumingin sa kaniya. "A-ako?" Duro ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako nakaramdam ng pagkailang at hiya sa kaniya. Hindi naman ganito noong umpisa kaming magsama----magkasama.

Tumikhim siya at ngumiti. "Oo." Sabay tumango.

"Ahm. Hindi ko maintindihan kung bakit tayo nagpunta sa ganitong klaseng lugar." sabi ko tumingin sa nakaupong lalaking bampira mula sa kabila at ang kaharap nitong isang babae at tumingin muli sa kaniya. Dala na aking pagkailangan ay may kung anu-ano nasasabi na hindi naman dapat.

"Hindi ba halata kung bakit kita dinala rito?" tanong niya.

Pagak akong natawa, "Hindi naman sa ganon, 'di ba kilala mo kung sino ako? Paano na lang kung mapahawak ako? At... may mangyaring gulo mula rito-----" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ay agad niya itong pinutol.

"Hindi kita ipapahamak, dahil sa akin sa kalang." nagulat ako. Ngumisi siya sa akin. "Ang ibig kong sabihin----ako lang ang pwedeng pumatay sa 'yo. Ako lang." Agad akong napaiwas nang tingin sa kaniya. Hindi ko alam ang kaniyang ekspresyong ng kaniyang mukha. Nakatitig pa ba siya akin? Kung balak niya ay patayin ako, bakit niya pa ito sinasabi sa akin? Hindi ba't sana ay noon niya pa ito ginawa.

Napahigit ako nang hangin at umayos ng upo. Nakita kong umayos din siya ng upo at tumingin sa akin.

Tumikhim siya at nagsalita. "Bilang isang prinsipe. Nasa tradisyon naming mga bampira na handugan ang isang  babae na pinahahalagahan ng isang lalakeng bampira, at ang babae ay kailangan ingatan ang bagay na pinahahalagahan ng isang lalake. Dahil sa paniniwalang kapag ibinigay mo ang pinakamahalagang bagay sa iyong kabiyak, para mo na rin siyang pinahalagaan at prinotektahan."

"Ikaw? Wala ka bang pinahahalagahan?" wala sa sariling tanong ko.

Umiling siya. "Para sa isang prinsipe," pagak siyang natawa. "Wala." Napakurap akong tumingin sa kaniya. Bilang isang prinsipe, mas maraming responsibilidad ang dapat ang ginagawa niya. At mas maraming siyang pinahahalagahan. Pero sa tono ng pananalita niya may bahid ng galit at lungkot.

Napakagat-labi naman ako. "B-bakit?" nautal kong tanong.

Napatingin ito sa akin at agad din napaiwas ng tingin. "Hindi mo na kailangan malaman." mapait niyang sabi.

**************
Matapos naming kumain ay agad din kaming nagtungo sa mga pamilihan. Hindi ko siya maintindihan kung bakit agad siyang nagalit. Kanina ay nakangiti siya tapos ay magagalit. Sinabi niya sa akin ang dahilan kaya naintindihan ko. Hindi niya inakalang masusundahan kami ng mga demon lalo pa't malayong-malayo ito at siya lang ang nakakaalam ang lugar na ito maliban sa akin dahil nakarating na ako rito.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon