Kabanata 8

576 23 0
                                    

Sen's POV

“Itigil niyo na iyan, alpha!” hindi ako nakinig bagkos ay idinin ko pa ang aking pagkakasal sa kaniya. Pinipilit niya itong tangalin gamit ang dalawa niyang mga kamay.

Hindi niya ako kaya.

“Bitawan niyo na siya, alpha! Kung hindi... ay mapipilitan kaming kalabanin ka.” tinangal ko ang pagkakasakal sa kaniya. Siya namang hinihingal.

Marahan ko siyang tignan, “Pasalamat ka nalang na binuhay pa kita.” madiin kong sambit.

Nag-igtim lalo ang aking baga dahil sa mapang-asar niyang tawa, “Kailanman ay hinding-hindi ako magpapasalamat sa isang lobo o sino man sa mga kalahi mo.” napayukom na lamang ako ng kamao.

Napatingin ako sa kaniyang mga sugat, unti-unti na itong naghihilom. Tumayo na ito at mabilis na napunta sa bampirang kawal.

Ang mga bampirang napatay ay naging abo ng hindi ko namamalayan. Hindi ko malaman kung bakit ganon ang pakikitungo ng bampirang si Califtre.

Naglakad ako papasok sa kagubatan, iniwan ko na lamang sila. Galit na galit na ako matapos ay dadagdagan pa ng hangal na Califtre na iyon. Kung hindi lamang ako sinuway ng kawal ay napatay ko na siya.

Nakita ko na ang lawa, at umupo sa tapat nito. Bakit pa ako pumunta rito, kung wala ’rin akong gagawin? Napansin kong natutuyo na ang mga dugo sa aking kasuotan kaya naman ay hinubad ko na ito.

Tumayo ako at naglakad sa gitna ng lawa, at nagtampisaw. Hinayan ko ang buong katawan ko ay mabasa. Sakto lamang ang temperatura. Hindi masyadong mainit at hindi ’rin masyadong malamig.

“Alpha Sen! Narito ka pala.” ang tinig na iyon, napatingin ako sa gilid ko, Hilda.

“Anong ginagawa mo rito, Hilda?”

Ngumiti lamang siya, “Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan, alpha. Anong ginagawa mo rito?”

“Hindi ko alam.” napangisi na lamang siya, sa lahat ng mga lobo itong babae lamang ang kaya akong kalabanin. Kaya mas nagiging interesado ako sa kaniya, mas gusto ko siyang gawing luna, dahil siya ang utak namin, siya pinakamahusay sa pagplaplano at kaya niyang pasunurin ang aking nasasakupan. Hindi lamang iyon, mahusay siya sa pakikipaglaban. Mapapadali ang pamumuno ko kung siya ang gagawin kong luna.

“Gusto mo ba akong kasama?” ngumiti siya sa akin, at lumapit. Hinawakan nito ang aking dibdib, ito na naman ang pang-aakit niya, niyakap ng dalawa niyang kamay sa aking leeg, “alam mong mahal kita, alpha. Sana ay ipakita mo ’rin ang pag-ibig mo sa akin.”

Nagtitigan kaming dalawa, nagsalita ako. “Matagal ko ng ipinakita iyon.”

“Hindi ko napapansin, ang pag-ibig mo lamang ay nasa iyong nasasakupan.”

“At kasama ka roon.”

“Ang gusto ko nasa akin ang ibang atensiyo mo... walang nakiki-alam na isa man sa kanila.”

Tinanggal ko ang nakayakap niyang kamay sa aking leeg, at marahan siyang tinitigan. “Isa akong alpha, hindi ko maaring ibaling lang sayo ang aking atensiyon. Lalo na’t nagsisimula na ang mga demonyo.”

“Demonyo? Akala ko ba ay matagal na silang wala sa mundong ito?”

Binitawan ko na ang kaniyang kamay, “Bumalik kana sa Wulfgar, at sanayin mo sila. Magdala ka ’rin ng tauhan sa palasyo.” nagbuntong-hinga na lamang siya, “Sandali pa lamang tayong magkasama, papabalikin mo na ako agad.”

“Gawin mo ang inuustos ko.”

Napilitan siyang sumunod, umahon siya sa tubig, hinayaan niya lamang makita ko ang wala ni isang sablot ang kaniyang katawan. Nasanay na raw siya na ako lang nakakakita ng katawan niya.

Naisuot na niya ang kanyang kasuotan at humarap sa akin, “Masusunod po, alpha.” tsaka nag-anyong lobo, at tuluyan na siyang umalis.

Umahon na ’rin ako at sinuot ang aking sablot, nag-anyong lobo ako at mabilis na nagtungo sa palasyo.

Nagbalik ’rin ako agad sa dati ng ako ay makarating. Narito ako sa loob ng silid kung saan naiwan ang katawan ng aking mga kasamahan. Naalala ko na hindi pala sila nagiging abo sa palasyong ito, kailangan ay nasa Wulfgar ang katawan nila.

Dumating ang aking mga tauhan, kalaunan ay hinarang sila ng kawal at agad rin ipinapasok ng malaman ay ako nagpapunta sa kanila. Kinuha ang katawan at idinala ito sa aming teritoryo, sa Wulfgar.

“Kami na po ang bahala sa kanila, alpha.” tumango na ako, napansin ko ang hawak ng isa kong tauhan, ang gayuma. “Ibigay mo sa akin ang hawak mo.”

Napatingin sila sa akin, at nagkatinginan, “Ah! Sayo ba ito, alpha?” tumango ako at kinuha ang gayuma na inilahad niya sa akin. “Makakaalis na kayo.”

Deviant BloodWhere stories live. Discover now