Kabanata 19

408 14 2
                                    

Third person POV

Napatangis ang bagang ni Revelorr habang naka upo sa kaniyang trono, hindi niya parin mabatid kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Tila may pag-aalala pa para kay Urbhina na ilang araw ng nakakulong.

"May problema ba, Lord Revelorr?" hindi niya pinansin ang tanong ng kaniyang alagad. Mabilis siyang tumayo sa kaniyang trono at mabilis na naglakad patungong selda.

"Saan ka pupunta?" mariin siyang pumikit. At ngumisi. "Sa pagmamay-ari ko."

Nang makarating, agad na binuksan ng mga nagbabantay ang selda.

Agad siyang pumasok.

Napangisi siya ng makita siya nito.

"Kumusta ka Urbhina?" tanong niya.

Napakunot ang kaniyang noo ng biglang ngumiti si Urbhina. "May balak ka pa palang dalawin ako, Revelorr?" kahit nahihirapan ito ay nagawa pa rin niyang makapag-salita.

Lumapit siya rito, at iniluhod ang isang paa para magkapantay sila. "Alam mo, Urbhina? Hindi ko alam kung bakit may kaunti pa akong awa sayo... mahal kita? Oo! Pero hindi pa rin 'nun mababago na ako ang papatay sayo sa oras na makuha ko ang anak mo." sa sinambit na iyon ni Revelorr ay winasak na niya ang puso ni Urbhina ngunit hindi niya ito ipinahalata, isang ngiti ang ibigay niya kay Revelorr. At isang kakaibang titig ang ibinigay sa kaniya.

"Sana ay huwag dumating ang araw na pagsisihan mo ang nagawa mo, Revelorr. Dahil ayokong mangyari sayo ang nangyari sa iyong ama na labis ang pagsisisi dahil pinatay niya ang sarili mong ina. Na dahil doon galit ang bumalot sa buong kalooban niya... at wala----"

"Tama na!" sigaw niya. Napangisi naman si Urbhina kay Revelorr.

"Kahit na ang kaniyang sariling anak ay nagawa niyang o kamuntikan niyang patayin." tuloy niya.

Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Revelorr kay Urbhina, galit na galit siya. Kung kanina'y awa ang nararamdaman niya ngayon ay naisin niya na patahimikin ito.

Bumalik sa kaniya ang ala-alang iyon kung saan ay ayaw niya muling balikan pa. Ang kahindik-hindik na pagpatay sa kaniyang ina. Kitang-kita niya kung paano patayin ng kaniyang ama ang kaniyang ina. Isang malaking bangungot ang naramdaman niya.

"At isang malaking pagkakamali na buhayin mo ang iyong ama. Para lang makasama siya," alam ni Urbhina na galit na galit si Revelorr, dahil sa pagkulay ng mata nito, kulay pula. Isang sakal ang natanggap niya kay Revelorr. Napa-angat siya sa kaniyang kinalalagyan.

Ang pag-paso ang nagpahirap sa kaniyang paghinga dahil sa kamay ni Revelorr na unti-unting umiinit, at ang mga kuko nito ay unti-unting humahaba.

Wala siyang magawa kun'di ang dumaing sa sakit. At ang paglabas ng kaniyang ugat dahil sa ginawa ni Revelorr.

Gustuhin man ni Revelorr na bitawan si Urbhina ay mas pinili pa rin niya ang sinunod ng utak niya. Ngunit sa hindi inaasahang upang mabitawan niya si Urbhina ay ang pag-agos ng butil ng luha niya mula sa kaniyang pisngi.

Nanlaki ang kaniyang mata. Mariin siyang pumikit, dinig niya parin ang napaubo at habol ng hinga ni Urbhina.

Hindi niya akalain na masasaktan siya.

************
Ang hard ni Revelorr.

Natagalan ng update. Sorry:( nabura kasi yung draft ko para sa chapter na ito at sa iba pa. Kaya ayun nabago siya. At tinamad na ako😂 pero may balak talaga ako mag-update... at masaya ako na nanalo 'to sa wattys17. Hindi ko inaasahan yun. Btw thanks sa nag-intay. Alam kong wala-wala ito sa mga story na gugustuhin niyo.

Deviant BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon