PROLOGUE:

74.7K 728 73
                                    

Dedicated to @HippityHoppityAzure

[ Destiny POV ]


"Yaya Lucing, nakahanda na ba ang almusal ko?" Masayang tanong ko sa yaya ko ng pumasok ako sa kitchen. She had been my yaya since I was a baby until now that I am already a lady.


"Aba, syempre naman at nakahanda na, anak. Ayaw ko yatang magutom ang maganda kong alaga." Nakangiting sabi nya sa akin.


"The best ka talaga yaya, kaya love much kita eh." Sabi ko at binigyan sya ng mabilis na yakap.


"Love much din naman kita kaya nga malaki ang hiwang ginawa ko ng paborito mo. Malakas ka sa akin eh." Sabi nya at pinisil ako sa pisngi. Groovy kaya ng yaya ko, kaya naman magkasundo kaming dalawa.


Naupo ako sa mesa at nagsimulang kumain. Nakahain sa hapag ang karaniwang almusal ko. Swiss miss chocolate drink, Fruity Cheerios soaked in fresh milk, apple and a big slice of my favorite, blueberry cheese cake. Yummy!


Kinain ko ang agahan ko at sisimulan na sanang kainin ang pang-finalé ng biglang umangat sa ere ang platito nito. Nag-angat ako ng paningin at nakita ko ang mukha ng mommy ko na nakataas ang kilay.


"Mommy, I was about to eat that!" Protesta ko sa kanya. Bakit bigla na lang nyang inangat ang platito ng blueberry cheese cake na nasa harapan ko. Ugh!, ang aga namang panira ng araw nito. I am having a breakfast here, mind her!


"God, sweetie! Do you know how many calories are in this? Hindi ka dapat nagkakakain ng mga ganito dahil masisira ang figure mo. I don't want you to become like Jollibee with people poking your belly." Nakataas ang kilay na sabi ng mommy ko. Natawa ako sa sinabi nya, I love Jollibee lalo na ang chicken joy nila.


"Jeez mommy, relax, bakit ba mas conscious ka pa sa timbang ko keysa sa akin mismo? I thought you and daddy wanted me to get fat para walang magkamaling manligaw sa akin. You said and I quote 'You are not allowed to date' unqoute, right?" Sabi ko at pilit na inaabot sa kamay nya ang platito ng paborito kong cheese cake. Mmmm... blueberry my favorite!


Saglit na tila nag-isip ang mommy ko sa sinabi ko kaya naman halos maabot ng kamay ko ang platito which is being held captive by her dainty, over manicured fingers. 'Don't worry my precious cheese cake, I will save you!', I said to myself.


"You are right, you are not allowed to date." She said as if talking more to herself than me. Tapos biglang inilayo sa mga kamay ko ang platito na hawak ko na at hinahatak pabalik sa kanya. Bigla nya akong tinitigan ng seryoso. "Do whatever you need to make sure of that, Destiny, but without getting fat!" She said and dumped my precious cheese cake into the trash bin tapos inilagay sa lababo ang platito nito bago tuluyang lumabas ng kusina.


'Nooooo, my precious!', hiyaw ko sa isip ko. Wait, di ba may five second rule? Yeah, five second rule, five second rule! Tinignan ko ang basurahan at napangiwi ako ng makitang nasa loob na nga ang precious cheese cake ko at kahalubilo ang ibang basura. Napailing ako sa sobrang panghihinayang. No, I can't stoop that low, to hell with the five second rule.


"Anak, hindi na daw kita hahainan ng cheese cake simula bukas sabi ng mommy mo." Malungkot na sabi ng yaya ko. Mabuti pa si yaya alam magpakita ng simpatya sa akin.


"Yaya, ang kawawang cheese cake ko." Mangiyak-ngiyak na sabi ko habang nakatunghay pa din sa trash bin.


Tinapik nya ang balikat ko. "Sundin na lang natin si mommy mo, anak dahil para din naman sa iyo yun." Bago lumabas ng kusina.


Marrying My Destiny (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon