BM 24: Abducted by Evelia

2.3K 70 2
                                    


Third person's POV

Kinabukasan nag kagulo ang mga wolf ng malaman na nawawala si Viola.
Halos nahalughog na ng mga ito ang buong Wolf Mountain pero hindi parin ito matagpuan kaya napasugod na si Ron kasama ang kapatid na si Reyla sa Center Crown.

Imbes na sa Crown Mansion ay dumeretso ang mga ito sa mansion nila shou.

"Anna!"
Sigaw niya ng mag transform siya into Human. May respeto siya sa pamilya ni anna kaya kahit welcome siya sa mga ito ay nanatili siya sa labas hanggat walang nagpapapasok sa kanya.

"Ron! Bakit ka sumisigaw?"
Nag aalalang tanong ni anna pag kalabas niya ng mansion.

"Pasensya na pero gusto ko lang itanong kung napansin niyo ba dito si Viola?"
Tanong ni Ron kaya agad na napiling si anna.

"Hindi, bakit? May problema ba?"
-anna.

"Nawawala siya kagabi pa, nahalughog na namin ang buong gubat pero hindi namin siya makita"
Sagot ni Ron.

"May problema ba dito?"
Napalingon ang dalawa sa mom ni Anna na bakas ang pag aalala.

"Nawawala daw po si Viola mom."
-anna

"Viola? Siya ba yung wolf na bulag pero kayang makita ang hinaharap?"
Tanong ng mom ni anna kaya agad na napatango ang dalawa.

"Bulag siya kaya hindi siya makakalayo unless may dumukot sa kanya"
Sabi pa ni anna kaya mas lalong hindi mapakali si Ron.

"Bakit hindi kayo humingi ng tulong kay Evelia?"
Suggestion ng mom niya kaya natigilan ang dalawa.

Nalaman na ni anna na si Evelia ang nakapatay kay Eve at hindi niya iyon matanggap. Malaki ang pag hanga niya kay Evelia pero malaki rin ang tiwala niya kay everlia na hindi ito masama.

"Anong nangyayari dito?"
Tanong ni shou na kadarating lang kung saan kasama sina Sastria, Flinn at Draven.

"Kuya! Si Viola nawawala! Hindi siya matagpuan sa buong Wolf Mountain."
Paliwanag ni anna.

"Viola? Sino yun?"
Takang tanong ni Sastria.

"Pamangkin siya ng aking ama, isa siyang bulag"
Sagot ni Ron.

"Bulag?"
Tanong pa ni Sastria na sandaling natigilan.
"Purong puti ang kanyang mga mata?

Napatango naman si Ron at Anna.

"Ang huling kita ko sa kanya ay yung sa party"
Sagot ni Sastria.
"Nakapagtataka nga dahil puro salitang 'sinungaling' ang binabanggit niya"
Dugtong pa nito kaya natigilan ang lahat.

"At nakita ko rin siya kahapon, sa harap ng Crown Mansion."
Nabaling ang tingin ng lahat kay Draven.

"Tama kuya! Naglalakad lakad kami non ng bigla siyang mawala at nung hinanap ko siya, sa harap ng Crown Mansion ko siya nakita"
Sagot ng batang si Reyla kaya sa kanya naman napatingin ang lahat.

"Ano namang gagawin niya doon?"
Takang tanong ni Anna at dahil wala silang ediya ay napakibit balikat nalang sila.

"Pupunta ako doon"
Sabi ni Ron

"Sasama ako!"
Sabi din ni anna

"Tara na"
Si ron at dinala na ang kapatid kasunod si anna.

Naiwan naman sila shou at ang mom nila.

"Halina kayo, may dapat pa tayong asikasuhin"
Sambit ni shou sa malamig na tono at naunang pumasok sa loob ng mansion.

"Shou anak, may problema ba?"
Tanong ng mom niya na ikinatigil niya.
Nilingon niya ito ng may mapait na ngiti.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now