BM 18: It's Everlia

2.4K 67 2
                                    


Shou's POV

"Anong gagawin natin?"
Tanong ni Sastria.

Ano nga ba? Ni hindi ko alam kung paano magsisimula. Kung anong dapat gawin.

Halos wala ng natirang wolfian sa paligid dahil lahat sila ay nasa loob na ng Spirit Circle.

"Well, well, well, akalain mo 'yun? Nandito rin pala kayo?"
Napalingon kami sa gilid ng marinig ang boses ni Veronica.

"Veronica"
-Sastria.

"Oh! Buhay kapa pala. Tsk, akala ko pa naman hindi na tayo magkikita."
Pang iinis pa nito kaya agad naming pinigilan si Sastria ng balak niyang sugurin si Veronica.

"You b*tch! Sisiguraduhin kong sa pagkakataon na ito mapapatay na kita!"
Sigaw pa ni Sastria.

"Ow really? Sa pagkakaalala ko, madali lang kitang natalo?"
At natawa ito.
"Huwag kanang umasa na matatalo mo pa ako!"

Ramdam ko ang panginginig sa galit ni Sastria pero pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.

"Oo nga pala, ano't naparito kayo? Dahil ba kay anna?"
Agad na nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ni anna. So nagkaharap na sila ulit? Shit! Ano nanaman kaya ang nangyari sa kanya ngayon?

"Nasaan siya?"
Tanong ko na pinipigilan narin ang galit.

"Nako! Sasabihin ko na pero wag kang magagalit sakin ha! Hindi ako ang may gawa sa kanya non!"
Sabi pa niya na mas ikinainis ko. Ang dami niya pang satsat!

"Nasaan si Anna!"
Sigaw ko na.

"Haays! Nasa mansion siya ng mga Wolfians"
Sagot nito kaya mabilis akong napasugod doon. Nakasunod naman sakin sila Jax

Pagkarating ko ay halos pagsakluban ako ng langit at lupa sa nadatnan ko.

Binitawan ng babae ang isang lalaki matapos nitong higupin ang kaluluwa niya. Bumagsak ito ng wala ng buhay paharap sa kapatid ko.

Muling sumiklab ang matinding galit sa loob ko.

Bakit? Bakit ang kapatid ko?!!!

Mukhang naramdaman na niya ang presensya namin kaya agad siyang napalingon samin. Mas lalong kumintab ang pagkapula ng mga mata niya at mayroon pang bahid ng dugo sa makinis niyang pisngi tanda na lumuha nanaman siya ng dugo.

Nagkasalubong ang mga mata namin. Puno ng galit ang sakin samantalang wala namang kaemo emosyon ang sa kanya. Ni hindi manlang iyon kababakasan ni katiting na awa.

Ganyan naba talaga siya kasama? May isang bagay na nakapag bigay sa akin ng dahilan para patuloy siyang pagkatiwalaan pero naglaho bigla iyon. Naglaho ng tuluyan ang isang pag asang yun.

Tumayo siya at prente kaming hinarap na parang walang nangyari.

"E-eve"
Sambit ni Jax na hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"Ron, Anna"
Si Sastria naman na nakatuon ang tingin sa dalawa na wala ng buhay.

Nagdidilim na ang paningin ko. Tuluyan ng nilalamon ng matinding galit ang puso ko. Ang tanong ni Jax? Kung may nararamdaman na ba ako sa kanya? WALA NA! Ni katiting WALA NA! may rason na ako para patayin siya. Mayroon na akong lakas ng loob para kalabanin siya.

Ngayon, hindi na ako magdadalawang isip na tapusin siya hanggang kamatayan.

________

Flinn's POV

Pagkarating namin ay agad naming nadatnan ang isa nanamang malaking circle but this time it is made of souls.

"Narito pa sila."
Napatingin ako kay Astro.
"Maghiwalay na tayo dito. Hahanapin ko na ang pakay ko"
Sabi pa niya at hindi na ako hinintay na nakapagsalita.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now