BM 28: BUY ME AGAIN

3.1K 86 1
                                    

Chapter 28

Third person's POV

"EVERLIAAAAAAAAAAAAAAAA! M-MAHAL NA MAHAL KITA!!!!"

Sa di malamang dahilan ay bigla nalamang napadilat ang dalaga. Tulad ng dati ay naging pula ulit ang kanyang mga mata.
Damang dama niya ang sakit na nararamdaman ng binata na nakakapagpausbong ng matinding galit sa loob niya.

Hindi iyon napapansin ni Evelia dahil patuloy lang ang ginagawa nitong pagpapahirap sa binata hanggang sa tumigil na ito sa pag hiyaw at walang imik na bumagsak.

"HAHAHAHAHAHA"
Halakhak ni Evelia.
"Nakita mo ba iyon kakambal ko? Nakita mo ba kung----"
Natigilan ito ng magsalubong ang mga mata nila ng kakambal. Hindi ito makapaniwala ng makita ang pulang-pula nitong mga mata na nagsisimbulo ng matinding galit.

"Bitawan....mo.....AKOOOOOO!"
sigaw nito at bigla na lamang tumalsik si Evelia.

"P-paanong?"
Halos hindi nito natapos ang sasabihin at hindi pa tuluyang nakakabawe ng biglang sumulpot sa harapan niya ang dalaga. Muli silang nagkatitigan. Hindi malaman ni Evelia ang gagawin ng makaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawa. Parang nilalamon ng mga pulang mata ni Everlia ang lakas niya.

"Stay Away!"
Sigaw niya at pilit na kinontrol si everlia palayo sa kanya. Nagawa naman niya iyon pero hindi ganoon kalayo sa kanya, kaya ng makahanap ng tyempo ay siya na mismo ang lumayo.

'Anong klaseng kapangyarihan 'yon?'
Tanong nito sa isip habang nakatingin sa kakambal. Minabuti na nitong hindi titigan ang mga mata ng kakambal dahil pakiramdam niya ay hinihigop ang kapangyarihan niya.

Naglakad ito palapit sa kanya. Kung titignan ay parang wala na ito sa sarili, parang binalot ito ng matinding galit.

Naglabas ng koryente si Evelia at agad na tinira si Everlia pero nagulat siya ng bigla itong mawala. Napalingon sya sa paligid hanggang sa bigla nalang siyang tumalsik.

Pabawe palang siya pero muli nanaman siyang tumalsik, paulit-ulit hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa baba.
Ramdam na ramdam niya ang panghihina ng katawan niya pero pinilit niyang bumangon.

Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi at ngumisi.

"Lumalabas narin ang tunay mong anyo. Isa karing demonyo tulad ko! Kung masama ako, mas masama ka!"
Sigaw nito at humalakhak ng malakas.

At halos makaramdam ng takot ang lahat ng makita si Everlia. Unti-unti itong binabalot ng Kidlat, parang hinihigop ng katawan niya ang kidlat na sumisira sa buong CROWN.

"Tama, ganyan nga kakambal ko. Magpadaig ka sa kapangyarihan mo para tuluyan ka nitong lamunin at ikaw mismo ang sumira sa buong crown"
Bulong ni evelia habang nakatingin sa kakambal na parang wala na sa sarili.

Samantala, Kitang-kita ng lahat ng mga Crownian ang nangyayari. Nasa pinakataas si Everlia kaya nasasaksihan ng lahat kung paano nito higupin ang kidlat.

Halos mag ungulan ang lahat ng wolf maging si Ron at Reyla. Ang mga Vampire naman ay pumapalahaw.

"A-anong nangyayari?!"
Kinakabahang tanong ni Anna ng makita ang paligid niya na parang naghihirap sa tindi ng sakit. May usok na lumalabas sa katawan ng mga ito hanggang sa bumalik sa pagiging tao.

"Ron! Reyla!"
Sigaw niya ng makitang bumagsak ang mga ito na nanghihina.

Samantala, unti-unting iminulat ni shou ang mga mata niya. Agad na sumalubong sa kanya ang imahe ni Everlia sa itaas.

"E-verlia"
Sambit nito sa sobrang hina na tono, pero parang bulong ito sa tenga ni Everlia kaya agad siyang napalingon sa dereksyon ng binata.

Tila lumambot ang expression niya pero hindi parin niya magawang pigilan ang paghigop ng kapangyarihan ng lahat. Maging ang iba na nasagitna ng laban ay nakakaramdam narin ng pagkahina, pati mga Helliusan.

"E-everlia....... Tama na"
Sambit pa niya ng makitang nahihirapan na ang lahat ng nasa paligid niya.

"HAHAHAHAHAHA! Ipag patuloy mo lang kakambal ko! Higupin mo ang lahat ng kapangyarihan nila!"
Sigaw ni Evelia pero tila hindi siya pinansin ni Everlia sa halip nilibot nito ang tingin sa buong paligid at Kitang-kita niya kung paano maghirap ang lahat dahil sa ginagawa niya.

Nagpadala siya sa matinding galit kaya unti-unti na siyang nilalamon ng kapangyarihan niya para kontrolin siya.

May gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi kasabay ng pagluha niya ng dugo.

Ipinikit niya ang mga mata at pilit na kinontrol ang sarili.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!"
Sigaw nito at pilit na kinontrol ang sariling kapangyarihan.

Sinamantala naman iyon ni Evelia at agad na sumulpot sa likod ng kakambal. Naglabas siya ng kuryente at apoy at walang pag aalinlangan na tinira ang kakambal mula sa likuran.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHGGGG!"
Sigaw niya kaya napahalakhak si Evelia patuloy lang iyon hanggang sa huminto na sa pag hiyaw si Everlia na ikinapagtaka niya pero natigilan siya ng maramdaman ang unti-unting panghihina niya. Parang unti-unting nawawala ang kapangyarihan niya hanggang sa natuluyan na nga.

Humarap sa kanya si Everlia na nakangiti.

"Kung hindi kita kayang patayin, bakit hindi nalang kita tanggalan ng kapangyarihan na parang isang mortal"
Sambit nito na ikinanlaki ng mata ni Evelia.

Sinubukan niyang maglabas ng apoy at kuryente para tirahin si Everlia pero walang lumalabas. Sinubukan niya ring maglaho pero wala ring nangyayari.

"A-anong ginawa mo?!"
Puno ng galit na sigaw ni Evelia.

"Patawad mahal kong Evelia"
Gamit ang buong lakas. Kidlat, Kuryente at apoy ay Sabay-sabay niya itong itinira kay Evelia na nanlalaki ang mga mata.

Nabalot ang paligid ng nakakasilaw na liwanag ng apoy at kidlat kaya halos mapatakip ng mga mata ang lahat.

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!" Tanging Hiyaw ni Evelia ang maririnig sa buong paligid.

Tumagal din iyon hanggang sa unti-unting nawawala ang liwanag kasunod ng pagbagsak ng dalawa.

Mabilis na kumilos si Shou para saluhin si Everlia sa kanyang mga bisig.

"Everlia" sambit nito pero hindi ito nag response. Kinapa niya ang pulso ng babae at halos matigilan siya ng wala siyang maramdaman na kahit ano.

"No....no eve, wake up! Please wake up!"
Hindi na niya napigilang mapaluha ng hindi parin ito mag response.

"Don't leave me again, I'm begging you!"

___ Samantala, mabilis namang napasugod sila Anna at ang kanyang mom at Dad ng masigurong nasa maayos na kalagayan na ang ibang wolf.

Pagkarating nila sa Center Crown ay tumambad sa kanila ang mga bangkay ng mga nasawi. Lumiwanag na ulit ang buong paligid kaya hindi sila nahirapang hanapin si Shou.

"Kuya shou, ate eve"
Halos maiyak ito ng makita ang pagluha ng kuya niya. Tahimik itong lumuluha habang nakabaon ang mukha sa pisngi ng dalaga.

"S-shou"
Natigilan silang lahat lalo na si shou ng marinig ang boses ng dalaga. Napaangat ito ng tingin at nagsalubong ang mga mata nila.

"E-eve! Damn it! Akala ko iiwan mo na ako!"
Sa sobrang saya ay niyakap niya ng mahigpit ang dalaga.

"I love you, shou. Please"
Muling natigilan si shou ng unti-unting gumaan ang mga bisig niya na para bang wala siyang binubuhat.

"Kuya shou si ate eve!"
Puno ng pangamba si anna ng makita ang unti-unting paglaho ni Everlia.

"Wait for me shou and please, buy me again"
Sambit nito at tuluyang naglaho.

Naiwan namang tulala si shou at ang lahat.
Maging si Evelia ay naglaho din.

         _______________________

PLEASE VOTE AND COMMENT <3

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon