BM 15:Blood Transparent Circle

2.4K 75 2
                                    


Heiler's POV

Hinatid ko sila Flinn palabas ng mansion.

"Hoy ikaw!"
Tawag pansin ko kay Astro na agad namang lumingon.

"Yes baby?"
Tanong niya ng nakangiti.

Dug.dug.dug.

Fudge! O///O

"Namumula kana"
Sabi pa niya ng may pang aasar. Grrr!

"Shut up and don't call me baby you jerk!"
Galit kong sigaw sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Gusto ko lang humingi ng pabor"
Seryoso ko ng sabi kaya naman sumeryoso narin siya.

"If ever na makaharap mo si Veronica, Can you get me a part of her hair? I badly need it"
Err! Kung hindi ko lang kailangan para kay Alwira, hindi ako manghihingi ng pabor sa kanya. At isa pa, siya lang ang may kakayahang kumuha ng isang ibagay sa isang tao ng hindi nito nalalaman. Kumbaga isa siyang matinik na magnanakaw -_-

"Tsk"
Nasagot niya lang at sumunod na kay Flinn.

I hope na pumayag siya. Yun nalang ang paraan para bumalik sa dati si Alwira, hindi ko kasi nasabi kanila shou dahil ngayon ko lang din nalaman kababasa ko ng libro ni lola tungkol sa pang gagamot.

Huminga nalang ako ng malalim at muli ng umakyat sa kwarto para balikan si Anna.

"Anna"
Tawag ko sa kanya pagpasok ko sa loob pero nanlaki ang mata ko ng wala siya sa kama. Hinalughog ko ang buong Kwarto pero wala siya.

Sh*t! Napamura nalang ako ng makitang bukas ang bintana. Tumakbo ako doon at tinanaw ang paligid na may naglalakihang puno.

Sh*t! Delikado sa loob ng gubat na iyan dahil maraming wolf ang pakalat kalat sa buong gubat!

Anong gagawin ko?! Anong gagawin ko?!

Hindi na ako mapakali dahil hindi ko malaman kung anong gagawin. Hindi ko naman pwedeng iwan dito si Alwira!

"Anna! Ano bang pumasok sa isip mong babae ka!"
Aargh! I'm so frustrated!

_______

Anna's POV

I used my speed para takbuhin ang kaloob looban ng gubat. Kailangan kong puntahan sila kuya.

And what about ate eve? Anong nangyari sa kanya?

Nakita ko naman ang kweba patungong Hellius kaya agad ko iyong hinalughog pero wala akong nakita maski isa sa mga tauhan ni Veronica.

"Bakit walang katao-tao dito?"
Napuntahan ko na rin ang kabilang kweba kung saan maaring nakakulong si mom pero wala ng tao doon.

"Nakuha na sigura siya nila kuya"
Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Aaargh!"
Ungol ko ng kumirot ang sugat ko sa tagilitan.
Napaupo ako sa lapag para magpahinga sandali.

Ganito pala sa loob ng Hellius.
Napakadilim, kulob na kulob dahil hindi manlang nasisikatan ng araw.

Matapos kong magpahinga ay mabilis na akong lumabas ng Hellius. Napahinto ako sa labas ng kweba dahil sa paulit-ulit na pagkirot ng mga sugat ko. Hinihingal narin ako.

*swish* *swish*

Napalingon ako sa isang puno ng makarinig ako ng kaluskos.

Pinilit kong tumayo para ihanda ang sarili ko.

"S-sinong nandiyan?!"
Sigaw ko pero walang sumasagot. Patuloy lang ang pagkaluskos at paggalaw ng mga halaman.

"L-lumabas ka diyan!"
Utos ko sa kung sino man at ilang saglit pa tatlong naglalakihang wolf ang tumambad sa harapan ko.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon