BM 13: Where's Flinn?

2.9K 84 3
                                    


Sastria's POV

Narito kami ngayon sa Mansion ni Heiler para magpagamot sa kanya. Si Heiler ang isa sa pinaka magaling na manggagamot dito sa Crown at dahil kaibigan namin siya, hindi kami nahihirapang lumapit sa kanya.

"Kanina si Anna lang tapos ngayon kayong pito na? Ganon ba kalakas ang nakalaban niyo?"
Nag aalalang tanong niya habang kasalukuyan akong ginagamot.

"Si Veronica ang nakalaban namin"
Sagot ni Jax na maayos ng nakahiga sa gilid.

"Veronica? The leader of  Hellius?"
Hindi niya makapaniwalang tanong kaya tumango lang kami at ayun pinaliwanag ko sa kanya ang mga sinabi sakin ni Shou. At si shou? Natanggal na ang latigo na nakapulupot sa kanya pero napagdesisyunan niyang puntahan ang Dad niya. Gusto namin siyang samahan pero ayaw niya.

"Mabuti at hindi niya kayo tinuluyan?"
Hindi ko alam kung anong ibigsabihin niya doon.
"I mean, hindi siya tipo ng demonyo na hindi tatapusin ang kalaban niya"
Dugtong pa niya.

"S-si Eve, dumating siya"
-Crey.

Bigla namang bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Kambal siya ni Evelia? Kaya ba kinuha siya ni Shou at dinala dito ay dahil akala niya si Eve ay si Evelia? Nagsisimula na akong maguluhan, ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Bakit hindi manlang namin siya nakilala?

"Eve? Sino naman yun?"
-Heiler.

"Isa siyang imortal--na inakala namin pero ang totoo, siya ang kambal ni Evelia. Kung hindi siya dumating baka pinatay na kaming lahat ni Veronica pero......kalaban din pala siya dahil sumama siya sa babaeng 'yon"
Dismayadong sagot ni Gavin.

"K-kambal ni Evelia? May kambal siya?"
Hindi makapaniwalang tanong nito at ipinaliwanag namin sa kanya ang mga narinig namin kanina. Tumango naman siya tanda na naiintindihan niya.

"Gusto niyang sakupin ang buong crown kaya siya sumama kay Veronica? Siguradong gagamitin lang siya ng demonyong yon dahil walang isang salita si Veronica, isa siyang tuso." Napatango naman kami.

Pagkatapos niya akong gamutin ay nakaramdam na ako ng kaginhawahan sa buong katawan ko. Sunod niyang nilapitan si Alwira.

"Kaya kong gamutin ang kahit na anong pinsala pero hindi ko kayang magbalik ng buhay."
At malungkot siyang lumingon samin at kay Gavin na nasa tabi lang ni Alwira na walang imik.

"Tanging si Veronica lang ang may kayang ibalik siya sa dati dahil sa kanya nanggaling ang sumpa." Dugtong pa niya. Nagulat kami ng hinapas ni Gavin ang kama na hinihigaan ni Alwira.

"Damn it! I need to find that bitch! Kailangan niyang ibalik sa dati si Alwira!"
Bakas ang matinding galit nito. I can't blame him, Alwira is his girlfriend.

"Hindi madali ang iniisip mo, Nakita niyo naman kung anong nangyari diba? Sorry if i say this but tinalo niya kayong lahat!"
Sagot ni Heiler.

"Then what should i do?!"
Singhal ni Gavin.
"Hindi ko kayang magtagal ng ganito si Alwira! Dapat may gawin ako!"

"Ang dapat na gawin mo sa ngayon ay ang magpagaling at magpalakas nang saganon ay mailigtas mo si Alwira, natin."
Sagot ni Draven na tahimik lang sa isang tabi.

"Tama si Draven at hindi lang si Gavin kundi kayong lahat. Kailangan niyong palakasin ang mga sarili ninyo para sa susunod na laban."
Si Heiler kaya napatango kami.

"Baba lang ako para ipaghanda kayo ng pagkain, tawagin niyo lang ako kapag may problema o may kailangan kayo"
Sabi pa niya kaya nagpasalamat na kami. Palabas na siya ng kwarto ng matigilan siya at humarap samin.

"Bakit parang kulang kayo? Nasaan si Flinn?"
Takang tanong niya. Natigilan din kami at nagtinginan. Sa sobrang busy namin, hindi na namin namalayan na wala na pala siya sa tabi namin. Nasaan na kaya siya?

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon