BM 9: WHY's

3.9K 119 5
                                    


Third person's POV

"S-sino kaba talaga?"
Bakas ang gulat sa mukha ng lalaki.

"Do you think you can kill me?"
Nakangising tanong ni Eve na parang walang sakit na nararamdaman dahil sa natamong sugat gawa ng lalaki. Pulang pula ang mga mata nitong nanlilisik.

"Y-yeah! I can kill you!"
Kahit nauutal ay agad niyang binaon ang kamay sa dibdib ng dalaga pero nagulat siya ng maglaho nalang itong bigla sa harapan niya.

"Then kill me. Ano pang tinutunganga mo diyan"
Mas lalo namang nang galaiti ang lalaki dahil sa ngisi niya at agad siyang sinugod.
Pinaulanan siya nito ng suntok pero walang kahirap hirap niya lang itong iniwasan.

"My turn"
Natigilan naman ang lalaki ng mawala ulit sa harapan ang babae. Sa isang iglap napa salampak ang lalaki sa sahig at napaubo ng dugo. Siniko siya nito sa likod.

"Weak"
Seryosong sambit ni Eve na parang wala na sa sarili.

"P-pag babayaran mo ang g-ginawa mo"
Ilang saglit silang nag titigan ng masama bago muling kumilos ang lalaki. Bigla nalang may nagsulputang patalim sa harap ng lalaki. Naka lutang ang mga ito.

"H-hindi kana makakalabas sa lugar nato."
Ngumisi ang lalaki at bigla nalang iminuwestra ang mga kamay dahilan para tumutok sa dereksyon ni eve ang mga patalim at bumulusok papunta sa kanya.

Itinaas lang ni eve ang isang kamay at iniharap ang palad sa mga patalim na agad tumigil sa pagbulusok. Kalahating dipa nalang ang layo sa kanya ng mga patalim.

"So disappointing"
At hindi inasahan ng lalaki ang sumunod na nangyari. Bumulusok sa kanya pabalik ang mga patalim at dahil sa gulat ay hindi na nati nagawang makailag.

"Master of all the masters? Bullshit!"
Matiim lang niyang pinagmasdan ang lalaki na naghihingalong nakahandusay sa sahig.

"I'm the only master. Nothing else."
At ikinuyom nito ng mahigpit ang palad kasabay ng pag palahaw ng lalaki na nakahawak sa kanyang dibdib na namimilipit sa sakit.

__________

Shou's POV

Napahinto ako ng makaramdam ako ng napakalalad ng enerhiya. Nasa malapit lang iyon.

EVE

Sinundan ko kung saan iyon ng galing hanggang sa makarating ako sa basement.
May nag iisang pintuan lang doon kaya sigurado akong doon ng gagaling ang malakas na enerhiyang nararamdaman ko.

Hindi na ako nay aksaya ng oras at mabili na sinugod ang pinto at malakas iyong sinipa para mabuksan.

Pag pasok ko natigilan ako ng makita ang dugo na nag kalat sa paligid. Hanggang sa madako ang tingin ko sa lalaking nakahandusay at sa babaeng nakahandusay din hindi kalayuan sa kanya.

"Eve!"
Tinakbo ko si eve at agad siyang ikinandong sa binti ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong makitang kahit na anong sugat.

"Sorry I'm late"
Hindi ko mapigilang maiinis sa sarili ko pero may tiwala ako sa kanya.

"Shou!"
Napatingin ako sa pintuan ng marinig ang boses ni Jax. Kasama na niya ang buong grupo.

"Nakaramdam kami ng malakas na enerhiya kaya sinundan namin iyon hanggang sa mapadpad kami dito"
Paliwanag ni Oria.

"Kumusta na si Ate Eve?"
Nag aalalang tanong ni Anna na napasugod sa tabi ko.

"She's fine, nawalan lang siya ng malay"
Napatango naman ito.

"Let's bring her to Alwira para ma check siya"
Suggestion ni Creya.

"No. Wala naman siyang natamong sugat, kailangan niya lang ng pahinga."
Agad ko ng binuhat si Eve.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now