Chapter 05 The Other Side of Him

11.7K 198 0
                                    


[Author's Note]

Sorry po sa long update I have my job na ulit kaya medyo matatagalan bawat update medyo busy eh.. para to dun Sa dalawa kung Sissy ang aking little sissy na si darrystylar at gandang sissy na si elrendevera.. sorry mga sis ah medyo busy na ulit ... Hi sa inyo.. Vo vote ko na lang Elren story pag my time ako tumambay sa Wattpad sorry ha Love you vote ^____^

Karylle's POV

Sa wakas sunday makakapag pahinga rin ako. Masaya ang naging date namin ni Vhong. Gentleman sya hindi katulad ni Sir Vice basta na lang ako kinakaladkad. Makwento sya hindi katulad ni Sir Vice tahimik. Madami syang joke hindi katulad ni Sir Vice bakulaw. Teka bakit ko ba sya kinukumapara sa damuho na yun. Wala akong pakialam sa kanya. Pero simula nung friday nang malaman nya na makikipag date ako kay Vhong hindi na sya nagparamdam sa akin. Ano sya multo para magparamdam? Hahaha XD medyo waley. Pero seryuso namimiss ko yung pag sigaw sigaw nya sa akin. Parati kasi kaming nag sisigawan nun lalo na't nakikipagtalo ako sa kanya. Hindi sya gentlemen. Oo alam ko yun pero there' always a part of him na for me eh mabait. Walang maniniwala sa mga officemates ko kapag sinabi ko na napaka bait nya. Mabait sya in his way. Hindi lang yun alam ng iba. Hai nako ke aga aga Ms. Author sya ang iniisip ko.

[(Yaan muna Nanay..iniisip karin naman ni Tatay PogiXD)]

Nako Ms. Author. Tatay agad. hahaha. Kailangan ko ng maghanda dahil sisimba pa ako sa Sto. Domingo Church. Sunday eh. Nag ready na ako. Mag isa lang akong sisimba dahil sina Mama, Zia at Coco eh pupunta sa kapatid ni Papa. So Pumunta ako sa simbahan. Nakinig naman ako ng taimtim sa misa ng pari. After ng mass naglalakad ako sa labas ng simbahan nang may makita akong pamilyar na bulto ng lalaki. Si Sir Vice. Bumibili ito ng sampaguita at nilahat nya yung tinda ng bata na 2000 pesos pa ang binigay. Napanganga ako run ah. Ginulo nya pa yung buhok nung batang babae. Pagkatapos naglakad pa ulit ito. Sinundan ko sya kung saan man sya papunta. Naka polo shirt sya na white pagkatapos maong pants at rubber shoes na white and black na bagay na bagay sa kanya. Nasa may bangketa sya. Nagulat ako anong ginagawa nya run.May dala syang plastic bag.Tapos may mga batang lumapit sa kanya.  Mukhang tuwnag tuwa ng makita sya nag tatalunan pa nga ang mga ito. Mga Sampung bata siguro yun. Nakita ko na may mga tindang kung anu ano yung mga bata. Merong takatak boy, mag titinda ng mani, magtitinda ng kwintas at kung anu ano pa. Dun ko napansin na may iniabot sya sa mga bata at tuwang tuwa ang mga bata.I guess pagkain ang laman nun. Tuwang tuwa sila sa kinakain. At nakita ko na hindi man sya nakangiti pero ang mga mata nya naman ang nakangiti. Tapos pinagmasdan ko pa sya mukhang ang saya saya nya sa mga ginagawa nya. After almost half  an hour nag paalam na sya sa mga bata. Pagkatapos naglalakad lang sya sinundan ko sya. Another set ng mga bata. Di ko maiwasang hindi humanga sa kanya. Mahilig pala sya sa mga bata. May binigay ulit sya at tuwang tuwa nanaman yung mga bata. Ganito pala sya magkawang gawa. May kakaiba akong nararamdaman. Natutuwa, masaya tama masaya ako na nakikitang masaya sya sa ginagawa.

"Ay.. hija bakit hindi mo lapitan ang nobyo mo kesa naman sinusundan mo pa sya.. kung magduda ka din lamang bakit kumprontahin at pasulyapsulyap ka lamang dyan." napatingin ako sa matandang lalaki nagsalita sa likuran ko. Metro aid sya at may hawak na walis tingting.

"Nag kakamali ho kayo--"

"Hijo!!!! Jose!!!" nabigla ako sa ginawa ni lolo. Napalingon sa amin si Sir Vice. At kumunot ang noo nya ng makita ako. Nasapo ko ang noo ko. Lumapit sa amin si Sir Vice. Salubong ang kilay at masuspetsyang tumingin sa akin.

"Hijo.. sabi ko sa nobya mo eh kung pagduduhan ka din lamang sa inyong relasyon ay bakit hindi ka na kang kumprontahin.." nakangiting sabi ni lolo. Lolo naman eh. Namula yung pisngi ko sa sinabi ni Lolo.

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon