Chapter 54 Meet Her AGAIN

6.6K 141 62
                                    


[Author's Hanash]

I just wanted to acknowleged the presence of @deviantGEE one of my fav. Author :) here in wattpad ng ViceRylle. I saw your vote in one of my chapters here.. I just want you to know na yung story mo ang kauna unahang ViceRylle story na nabasa ko.. super ganda mga apat na beses ko syang inulit ulit basahin hahaha but thank's for reading my story :)

And guy's I know you'll gonna Love this chapter. ;) have fun.. Louie Girl I miss you!!!
.
.

.
.
.
.General POV

Ihahatid na ni Vice si Peter sa tagpuan nila ng magsalita ito.

"Mga ilang araw pa po kayo dito?" Tanong nito. Nakasakay kasi sya sa balikat ni Vice habang nakahawak sa ulo nito. 

"5 days pa" sagot ni Vice.

"So 5 days ka pa po kayong Daddy"

"Oo"

"Sana may extension" nabanaag ni Vice ang lungkot sa boses nito na parang kumurot sa puso nya.

"Hindi pa naman ako aalis eh.." sabi ni Vice. "Kaya wag ka ng malungkot"

"Daddy... Pwede po ba tayong mag picture.. para po masabi ko na nagkaron ako ng Daddy ng one week.. kasi po baka hindi na po tayo magkit"

Pakiramdam nya gusto nyang angkinin si Peter, bilang anak. He want's to be a father. Pero he knows the reality na hindi nya  to anak.

"Sige ba gano ba kadami ang gusto mo?"

"Daddy mga 10 po" natawa sya sa sagot nito. "Pag po aalis na kayo mag papaalam po kayo sakin ahh. Para iiyak po ako"

He just chuckled for what he said at the same time ay nalungkot.

"Baka pag umiyak ka hindi na ako umalis"

"Eh.. di iiyak na lang po ako para hindi na po kayo umalis ngayon pa lang po iiyak na ako" tapos he creat sound na parang umiiyak. Tawa lang tawa si Vice. He love the kid like his real son. "Pero biro lang po yun alam ko naman po na hindi ko po kayo totoong Daddy.. salamat po kasi kahit one week nagkaron po ako ng Daddy.. sabi po ni Mommy don't talk to strangers kasi baka daw po bad, pero hindi ko po naramdaman na bad po kayo kasi ang bait nyo sakin.. para ko po talaga kayong daddy..  sana kayo na lang po talaga yung Daddy ko para may kalaro ako ng basketball at saka mag kausap about sa batas ng pilipinas"

Nakangiti lang si Vice this kid is really different from other kids he  knew, his just four but he thinks like 18 years old and talk like 30 years old. He just wish to na sana anak na nga lang nya ito.

"Ikaw yung pangalwang taong nagsabi sakin na mabait ako in the first meeting" sabi ni Vice.

"Talaga po!! Eh sino pong  una?" Nasa tapat na sila ng puno ng BUKO. Ibinaba nya ito at lumuhod sya sa harapan nito. Hinawakan ang magkabilang balikat.

"The girl that I love so much"

"Kasama nyo  po sya?"

"No.. she left me" sagot nya sa bata.

"Bakit po hindi  nya po kayo love? Kawawa naman po kayo.. kasi iniwan po kayo nung babaeng love nyo ng sobra.. yayakapin po kayo para hindi po kayo kawawa" inakap sya ni Peter. Kaya inakap nya ito pabalik.His heart was melting with his simple actions. Iba talaga ang pakiramdam nya sa bata. Parang bahagi ito ng buhay nya. Parte ng pagkatao nya. Isang masayang pakiramdam na hindi nya maipaliwanag.

"Dadalawin nyo parin po ako ahh kahit na umalis kayo dito.." sabi nito na humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. His Dark brown eyes that full of inosence na nakakatunaw ng yelong ibinalot nya sa puso nya. This kid is angel to his life. "Sige po Daddy bukas na lang po ulit ba bye po" hinalikan sya nito sa pisngi pagkatapos nagtatakbo palayo sa kanya.


My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon