Chapter 30 A date with My Conceited Prince

10.5K 128 6
                                    


General POV

Dinala ni Vice si Karylle sa tabing dagat. At naglakad lakad dun para magpalipas ng inis, napansin na yun ni Karylle kaya naman hinila nya ito sa lilim ng puno ng Buko.

"Atty. Ang sungit natin ahh" sinundot ng dalaga ang pisngi ng binata. Magkasalubong kasi ang kilay nito at mukhang inis parin. "Atty.. kakasuhan kita pag dika ngumiti" napatitig na sa kanya ang binata pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Kaya nga kita dinala dito para mag relax tapos ganto pa yung maabutan ko.." nakasimagnot parin ang binata. Ngumiti lang si Karylle.

"Okay lang yun.. Masaya naman ako kasi nag effort ka para mapangiti ako.."  sagot ng dalaga.

"Si Lola Miriam asawa sya ni Manong Johnny apo nila sina Jekjek, Maia, Macmac, Tristan at Impoy... Care taker sila nitong Beach nato.. Si Lola at Manong parang apo na nila ako ituring kaya ganun sila.." Umupo sya sa buhangin at sumandal sa puno ng buko. Pagkatpos ay tumanaw sa dagat. Umupo din ang dalaga pero sa pagitan ng hita ng binata at sumandal sya matipunong dibdib nito. Niyakap naman sya ng binata mula sa likuran nya. 

"Madalas kaba dito?" tanong ng dalaga.

"Hindi pag gusto ko lang mag relax, ngayon nga lang ulit ako nakadalaw dito.." pinatong nya ang baba sa balikat ng dalaga. "Gusto mo ba ng beach wedding? Pwede dito kung gusto mo.." napangiti si Karylle sa tanong na kasintahan.

"Love.. sa simbahan.. ang gusto ko eh.." sagot ng dalaga.

"Eh.. di sa simbahan.. saan Manila Cathedral, Taal Church, Manaog Church?"

"Holy Trinity.." simpleng sagot ng dalaga.

"Maganda nga ang simbahan na yun.." Pinag mamasdan nila ang hampas ng alon sa dalampasigan.

"Kung inaakala mo.. ang pag ibig ko'y magbabago itaga mo sa bato dumaan man ang maraming pasko kahit na di mo na abot ang sahig kahit na di mo na ako marinig IKAW parin ang BUhay KO" di mapakaniwala si Karylle na kinantahan sya ng binata. Napakurap kurap pa sya at baka nanaginip lamang sya pero totoo ang lahat. Totoong kumanta nga ang binata. Ang ganda ng boses nya grabe nakakainlove!! Tapos nag angat ito ng ulo at may dinukot sa bulsa. Nakita ni Karylle na may sinusuot ito sa kanya. Isang kwintas.

"Ikaw ang kauna unahang babaeng kinantahan ko" sabi ng binata habang inaayus nito ang kwintas. Pakiramdam nya may confetti na sumabog sa harapan nya dahil sa sayang nararamdaman. Tiningna nya ang kwintas. JM. Jose Marie. "At ito rin ang una kung regalo sayo. Ingatan mo yan.." ngumiti ang binata. Nun lang napansin ni Karylle na may suot din itong kwintas. AK. Ana Karylle.

"Love.. pinaiiyak mo nanaman ako" bahagyang pinunas ng dalaga ang namuong luha sa mga mata. Hindi sya katulad ng ibang lalaki na madaming kung ano anong gimik dahil nga first girl friend nya ang dalaga pero sapat na ang mga bagay ma ginagawa nito para mapangiti si Karylle ng sobra.

"Sorry naman.. Nagustuhan mo ba? nakangiting tanong nito.

"Oo naman galing sayo!!"

"Halika may pupuntahan tayo" tumayo sila. Magkahawak kamay na nag lalakad sa tabing dagat. Nag s start na din dumilim. Nakarating sila sa isang cattage. Namangha si Karylle dahil may nga petals ng roses sa sahig at scented candles sa paligid may table din sa gitna na may pagkain. Parang candle light dinner.

"Wow.. ang ganda.. ikaw ang gumawa?" nakangiting tanong ni Karylle.

"Oo.. since.. hindi kita ti ni treat in proper date.. Para sayo.. Happy first Monthsary.." nakangiti nitong bati. Na touch naman si Karylle sa effort at pagalala nito sa monthsary nila. Hindi nya alam na marunong pala ito ng mga ganung bagay. Kaya niyakap nya ito. 

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon