Chapter 06 A date with Him

12.1K 179 7
                                    

Karylle's POV

Andito parin kami sa QC circle. Pagkasabi ko na mabait pala sya natahimik sya bigla.

"You know what your the first one who called me Mabait." di ko alam pero my heart seems to like his compliment. Napangiti ako.

"Talaga po Sir.." sabi ko.

"Yeah at ikaw din lang ang nakikipagusap sa akin ng ganyan.." my face is turning red dahil sa mga sinasabi nya."Come on.." hinawakan nya ako sa risk at hinatak patayo. Pagkatapos nauuna nanaman sya maglakad. Sunod lang naman ako ng sunod. Pero inaamin ko namiss koto yung hinahatak ako kung saan saan.

Nakarating kami dun sa mga nag iihaw. Na amuse ako, si Sir Vice kumakain ng ihaw ihaw.

"Manang..10 nga po nyang isaw at saka 6 ng barbecque.. pati po atay" Na amuse ako na napatingin kay Sir Vice. Hindi ko inaasahan na makikita ko sya na ganto. Yung parang normal lang ang tingin ko kasi sa kanya ay isang napakayaman na tao na hindi marunong makihalubilo sa kagaya naming mahihirap. Pero seeing him like this parang nakakatuwa.

"Sir.. Mag aamoy usok po kayo dyan.." sabi ko sa kanya kasi naman yung usok eh pumupunta sa kanya, kaya hinila ko sya palapit sa akin. Hindi naman sya nag reklamo. Napansin ko na masama nanaman ang tingin nya. Kanino kaya? at bakit? Bigla syang umakbay sa akin. Nagulat ako dun kaya napatingala ako sa kanya. Napansin ko lang na kinakabig nya pa ako palapit sa kanya.

"May problema ba?!" napalingon ako dun sa kausap nya. Isang medyo may katabaan na lalaki na halatang tinitingnan ako simula ulo hanggang paa. Manyak ba kung makatingin.

"Ahh wala.. ang ganda kasi ng girl friend mo.." sabi nung lalaki. Na nakangisi nakita ko na kumuyom yung kamao nya.

"Tarantado ka ahh binabastos mo ang girl friend ko!!" tumaas ang boses ni Sir Vice. Niyakap ko sya sa bewang para awatin sya nag kakatensyon na kasi baka mapaaway pa sya.

"Tama na hayaan muna sya.." masuyo kung sabi sa kanya. Pero ramdam ko na nag pupuyus parin sya sa galit.

"Ahh sir ito na ho yung pinapaihaw nyo.." sabi ni Manang. Kinuha ko yung plastic pagkatapos ay inabutan sya ng bayad at hinila si Sir Vice. Nasa tapat kami ng isang bench ng tumigil kami.

"Sir... okay na po ba kayo?" tanong ko bigla  baka kasi hindi pa sya nahihimasmasan. Tumingin sya sa akin. Pagkatapos huminga sya ng malalim

"Tarantado manyakis eh.." galit nitong sabi. Nakakagulat si Sir magalit pero at the same time eh nakaka flater din. At least I feel safe with him.

"Relax na po kayo Sir.." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang ang pareho nyang kamay yung nakapatong ang kanang palad ko habang yung kaliwa ang nasa ilalim tapos nasa gitna yung kamay nya. Pumikit ako.

"Anong ginagawa mo?" feeling ko nakakunot ang noo nya.

"Ssshhh wag kang maingay Sir" tumigil naman sya. After 30 secs. Nagmulat ako ng mata to my surprise, nakapikit din sya napangiti ako, si Sir sobrang strong ng personality yung tipong feeling nya sya parati ang tama pero deep inside marunong sumunod in his simple ways."Sir tara po kainin na po natin yung mga binili natin.." iginiya ko sya sa bench, mukhang okay na sya eh.

"Babayaran kita..dahil sa tarantado na yun di nakita naintindi.." sabi nya. Umiling naman ako habang kinakagat yung isaw.

"Wag na po Sir.. treat ko na lang to kasi ilang beses nyo po akong pinagtanggol today.." sagot ko sa kanya. Nababasa ko na gusto nyang mag protesta pero sinubuan ko sya ng isaw. "Sir.. bawal mag protesta.. ha!!" Tapos natawa na lang ako nag umpisa syang ngumuya. "Mas okay rin po kapag di kayo nakikipagtalo sa akin."  sabi ko na nakangiti. Tapos kumain lang kami ni Sir. After kumain bumili pa kami ng palamig. (Alam ko Samalamig yun sa maynila eh, dito kasi sa batangas Palamig yun hahaha)

My Conceited Prince || ViceRylleWhere stories live. Discover now