Chapter 10 Version 3.0 Inlove Ako (Part 2)

11.1K 172 2
                                    


General POV

Nag d drive na si Vice at tahimik lang sya. Medyo naiilang na si Karylle sa sobrang katahimikan. Hindi sya sanay. Tumikhim sya pero parang hangin lang sya. Ano na namang ginawa ko at nag kaganto tong kumag na to? tanong nya sa sarili. Inihilig na lang nya ang ulo sa bintana ng kotse ay ipinikit ang mata. Napatingin bahagya si Vice sa dalaga.

"Tsk" tapos nag focus sa pag d drive. Nakarating sila sa isang resort. Pagkapark nya ng kotse padabog nyang isinara ang pintuan ng kotse dahilan upang magising si Karylle.

"Ang walang hiya talaga!!" naiinis na sabi ni Karylle. Bumaba sya ng kotse at nakita na may kausap ito na babae. Lumapit sya dito, nakita nya na naka angkla ang babae kay Vice, deep inside her heart nakakaramdam sya ng inis. Pagkalapit nya.

"Ah Vice sino sya?" tanong ng babae na tiningnan aya simula ulo hanggang paa.

"Secretary ko" malamig nitong sabi. Hindi man aminin ni Karylle sa sarili pero nasaktan sya. Kanina lang girl friend tapos ngayon na may ibang babae kang kasama secretary na lang usal ng dalaga sa sarili. Argh nakakainis. Napatakad sya sa inis. Nakita nya na naglakad paloob ng Hotel and Resort ang dalawa. Inis na inis syang tiningnan ang dalawa. Nang may nakabangga sya.

"Aray!!" napa upo sya sa sementadong lugar.

"Nako Miss I'm sorry" sabi ng lalaki. Nag angat sya ng paningin. Inalalayan sya nito makatayo. Isang chinito at gwapong lalaki ang nasa harapan nya. "Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nito.

"Hah oo.." sagot nya.

"I think your not..Come on," bigla syang hinawakan nito sa kamay.

"Wait..hindi kita kilala.." pilit hinihila ni Karylle ang kamay pero mahigpit ang hawak nito sa kamay nya.

"I'm Archie Valencia" ngumiti ito sa kanya na lalong ikinasingkit ng mga mata nito. Napangiti sya dahil dun.

"Ana Karylle Tatlonghari" sabi ng dalaga. Nakarating sila sa isang coffee shop. Nag order kaagad ito ng kape at saka manggo cake.

"Sorry kanina.. ha.." sabi nito.

"Okay lang hindi mo naman sinasadya..eh" sagot nya na nakangiti. Napaka warm ng personality nito. Mukhang mabait at idagdag pang gwapo ito. Narinig ni Karylle na nag ri ring ang phone nya kaya mabili nyang sinagot iyon.

"Hellow" sagot ng dalaga sa phone.
"Where the hell are you.. kailangan kita dito may business meeting ako!!" galit na sabi ni Vice sa kabilang linya. Napairap naman si Karylle.

"Wait lang po Sir susunod na po ako dyan! bye" pinatayan nya ito ng tawag. Nakita nya na bahagyang napatawa si Archie.

"Mukhang inis na inis ka sa Boss mo ah'' sabi nito na humihigop ng kape.

"Sobra.. Bipolar yun argh nakakainis!! sige na Archie next time na lang ulit" tumayo sya at nag martya palabas ng coffee shop. Pagpasok nya sa hotel nakita nya sa may waiting area si Vice. Naka dekwatro ito at naka aviator shades ang pogi!. Nakita sya nito kaya tumayo ang binata. At lumapit sa kanya.

"Saan ka ba nagpunta bakit ang tagal mo!!" sigaw ng binata sa kanya. Panandaliang tumigil si Karylle at tiningnan ang binata ng masama. Napaka unpredictable talaga nya.

"Pasensya na Sir.. ah may nakalimutan lang kasi ako" sagot nya dito with poker face. Tinitigan sya ng binata. Pagkatapos tumalikod at naglakad palayo. Napatakar naman sa inis si Karylle.

"Argh!! bwesit why are you acting like that!!" sumunod sya sa binata. Kadalasan kinakaladkad sya ng binata pero hindi nito ginawa yun kaya sumunod na lang sya. Nakarating sila sa isang conference room at nakita nya na may mga tao dun.

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon