Chapter 31 Meet Jose Marie Viceral

10.3K 157 1
                                    


General POV

Pauwi na sina Karylle at Vice ng manila. 

"Love ipapakilala kita sa pamilya ko.." sabi ni Vice sabay halik sa kamay ng dalaga. Na excite naman si   Karylle, dahil never naman nag kwento ang binata about sa pamilya nito kapag mag kausap sila yung mga nangyari lang sa buong araw ang pinag uusapan nila.

"Malapit na ba tayo?" excited na tanong ng dalaga.

"Oo.." ngumiti ang binata. Nakarating sila sa isang lugar na may malaking gate. Nag taka man si Karylle pero nabasa nya ang nakasulat na Angel House Orphanage. Bumaba sila ng kotse at kahawak kamay sya ng binata. Pagpasok nila nakita nila ang isang madre.

"Jose" bati ng madre kay Vice. Nagmano si Vice sa madre, ganun din si Karylle. Nginitian ng madre si Karylle.

"Sister Ena.. si Ana Karylle po kasintahan ko.." pakilala ng binata. Mababasa ang galak sa mukha ng madre ng marinig yun.

"Nako.. Hija di ninig ng panginoon ang panalangin namin na magkaroon na ng kasintahan itong si Jose namin.." tuwang tuwang sabi ng madre. "Hali kayo sa loob.."

Napangiti lang si Karylle. Naka akbay sa kanya ang binata habang kasunod sila ng madre. 

"Dito ako tumira. They are my family." panimula ng binata. Napalingon naman si Karylle sa kasintahan. Hindi nya alam ang mararamdaman para sa kasintahan. Nabigla sya na galing ito ng ampunan, pero at the same time ay nalungkot dahil wala pala itong Nanay at Tatay na gumabay dito ng lumalaki ito. Nakarating sila sa isa ng kwarto.

"Mga bata andito si kuya Jose." sabi ni Sister Ena. Nag sitakbuhan ang mga bata patungo sa kanila at tuwang tuwa. Nagtalunan pa ang mga ito.

"Kuya... Kuya!!" sigaw ng mga bata.

"Oh.. kumusta na kayo? Mababait ba kayong lahat?" nun lang nakita ni Karylle ang kakaibang saya sa mga mata ng binata. Napangiti sya.

"Kuya.. sino po sya?" tanong ng isang batang babae na medyo chubby. Napalingon sila lahat kay Karylle. Namilog ang mga mata ng bata at napangiti ng makita si Karylle.

"Kuya.. girl friend nyo po?!!" sigaw ng batang lalaki.

"Nako kayo.. talagang mga bata kayo.. ito nga pala si Ate Ana nyo." pakilala ng binata kay Karylle.

"Ate.. Ana.. bagay po kayo ni Kuya Jose.. ang ganda nyo po.." sabi naman ng isang batang babae na payat at medyo matangkad.

"Salamat.." sagot ni Karylle.

"Pwede po bang makipaglaro sa inyo?" tanong ng isa pang  batang lalaki na chubby.

"Oo naman.. Ano bang laro ang gusto nyo?" nagtalunan ang mga bata at hinila ng tuluyan si karylle.

"Ay.. tampo na si Kuya Jose.. hindi nyo ako sinasali.." nag act naman ang binata na tila nag tatampo.

"Pano yan nag tatampo daw si Kuya Jose" sabi ni Karylle.

"Kuya wag ka na pong magtampo kasi po.. Kayo po si Dr. Kwak kwak" pagkatapos nag sitakbuhan ang mga bata. Aliw na aliw naman si Karylle na makipaglaro sa mga ito dahil mahilig sya sa mga bata.

"Dr. Kwak kwak.. we need your help!" sabi ni Iyah. Nagumpisa si Vice na umikot sa mga bata para makalas ang buhol ng mga ito kahuli  hulihan kasi ay si Karylle kaya ng kay Karylle na sya tumayo lang sya sa harapan nito at nag cross arms.

"Kiss ko muna.. bago kita tulungan" nagtawanan naman ang mga bata.

"Ui.. si kuya Jose.. du ma da moves kay ate Ana.." sabi ni Xander. Kaya nag hagikhikan ang mga bata.

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon