Chapter 57 Seloso

7.3K 153 24
                                    

General POV

Hinatid ni Francis si Karylle sa resort. Kahit ayaw nya nag pumilit ito. Pagbaba nya ng kotse nakita nya si Vice na topless at mukhang kagagaling lang sa pag jo jogging. Pawisang pawisan ito. Leteral na napanganga si Karylle, dahil his seeing him again with no shirt at all. His masculine and sweating body are so hot. Lahat naman ng girls ay nakatingin kay Vice. Napailing na lang sya.

"Bakit ba ang hilig nyang mag balandra ng katawan nya sa public place anong akala nya sa sarili nya dyos ng olympus" bulong ni Karylle.

"Hey.. Honey.." napalingon sya kay Francis dahil sa pagsigaw nito.

"Nako.. tigilan mo ako dyan Francis hindi natin sya kaharap kaya karylle ang itawag mo sakin.."

"Kaya ko nga sinigaw eh para marinig nya.. tingnan mo yung itsura nakasambakul nanaman parang sasapakin ako" nginuso ni Francis si Vice kahit pa may mga babae sa paligid nito sa kay Karylle naman ang atensyon nito. "Mas uusok tenga at ilong nya pag ginawa ko to" bigla syang hinalikan nito sa labi. Na kinagulat ni karylle smack lang naman.

"Francis!!" Mahinang saway ni Karylle. At ora mismo nakita nila si Vice na palapit sa kanila.

"Dito pa talaga kayo nag lalandian karylle naman public place to..nakakahiya sa mga tao dito" sabi ni Vice na masama ang tingin kay Francis. Kung pwede lang patayin sa titig si Francis kanina pa ito patay.

"Girl friend ko sya kaya okay lang yun" sabi pa ni Francis. Kumuyum ang kamao ni Vice na napansin ni Karylle. Knowing Vice alam nyang sasapakin nito si Francis. Bakit naman? Sambit ng isipan nya.? Nag seselos ba sya? Pero may asawa na sya..Dapat hindi..  at naalala ni Karylle ang halik nito kahapon. Isa pang panggulo sa isipan nya. Kaya hinawakan nya sa kamay si Vice at hinila palayo kay Francis.

"Anong problema mo ha?" Paangil na tanong nya kay Vice.

"Wala.." sagot nito na kinuha ang ibang gamit. Pagkatapos ay naglakad palayo sa kanya.

"Argh.. bwesit!! Bipolar ka parin hanggang ngayon.."  sabi ni Karylle sa sarili. Pumasok na sya sa hotel.

Pagkarating nya sa opisina nya naabutan nya si Ghe na mukhang masaya ang aura.

"Ate K thank you so much!!" Sabi nitong excited. Napakunot noo naman si Karylle.

"Why?"

"Ate.. you did a great job.. nagustuhan ni kuya Vice ang resort at yung mga tanawin dito he said na mag e extend sya dito at dadagdagan nya ang investment nya" tuwang tuwa sabi ni Ghe. Napanganga naman si Karylle ng malaman na mag e extend ito. Another complicated week.
.
.
.

*****

"Viceral..Alam mo ba yang ginagawa mo?" Tanong ni Billy na nakasunod lang sa kaibigan.

"Oo naman.." sagot nito na hinawakan ang boquet of sun flower.

"Vice seryuso kaba?" Tanong ni Vhong.

"Tigilan nyo nga akong dalawa.." masungit na sagot nito.

"Viceral tandaan mo may asawa kana at si Karylle my boy friend na.. ano bang kabaliwan yang iniisip mo at plano mo pa talagang habulin si karylle. Dapat hindo diba galit ka--"

"Hindi ako galit sa kanya Billy" matigas nitong sabi. "Apat na taon ko syang hinahanap at ngayon na nakita ko na sya..hindi koto palalampasin.."

Napailing na lang ang dalawa. Sa sinabi nito.

"Brad mali yan eh.. kasal kana--"

"MAHAL KO SI KARYLLE WALANG NABAGO!!" Matigas na sabi ni Vice. "Kaya pwede hayaan nyo ako"

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon