Special Chapter (Save the Liquor Girls)

147 5 0
                                    

HINDI makapaniwalang naiiling si Gino habang iniisip ang sinabi ng kaibigan niyang si Hence na nag mamay ari ng bar na kasalukuyang dinadausan ng kasiyahan ng dalawang babaing iyon Coleen at Maxine. Hindi siya makapaniwalang umiinom ang dalawang yo'n.

Mabilis niyang hinanap sa contact niya ang number ni Mico at mabilis na dinial yo'n. Alam kaya ng mukong na Mico na'yun na nag lalasing ang Girlfriend niya? Naisip ni Gino. Pero agad din yung naputol ng marinig niya ang boses ni Mico sa kabilang Linya.

"What?" Halata sa boses nito ang pag kairita.

"Hence Bar. nandun si Maxine at mukhang lasing na, aantayin kita sa labas nun send ko sayo ang address."

"Shit! I'll go." Mag sasalita pa sana siya ng bigla na lang siyang babaan ng telepeno ng kausap, mukong na lalaking yun walang utang na loob!.

Mabilis niyang inayos ang sarili at mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya sa Bar ni Hence. At dahil hindi naman yun kalayuan sa Condo niya nakarating siya agad, pinarada niya ang sasakyan niya sa parking lot at tumayo sa labas ng bar para hintayin si Mico.

Ilang minuto ang nakalipas nakarating din ang hinintay niya, tulad ng ginawa niya pinarada nito ang sasakyan at dire-diretsong pumasok sa bar na parang hindi man lang siya nakita kaya napailing nalang siya at sinundan ito.

Pag kapasok nila sinalubong sila ni Hence na hindi makapaniwalang naroon siya.

"Hey Man." Bati nito sa kanya. "Mico sandali, masyadong malaki ang bar na to. Kailangan nating mag tanong." Pigil niya sa kasama kaya huminto ito sa pag lalakad. "No time no see ah." Natatawang sambit ni Hence at hinawakan ang balikat niya. "Wala akong time para makipag kamustahan My friend. Tell us nasaan ang pwesto nila?" Diretsong tanong ni Gino sa kaibigan.

"Woah! That two pretty girls? Oh. In the second floor, right side sa pinaka dulo ang pwesto nila." Sagot nito. At hindi na siya nag alinlangan pa malalaking hakbang na tinungo niya ang hagdan paakyat sa second floor habang si Mico ay nauna na.

"Thanks my Friend!" Sigaw niya ng hindi lumilingon. "Fuck Friend!" Dinig niyang balik sa kanya ni Hence kaya natawa nalang siya at dumiretso sa tinuro ng kaibigan.

Naabutan nila ang dalawa na mahimbing na natutulog at halos ginawa na ng mga itong higaan ang malaking table. Mag kayakap ang dalawa at mahimbing na natutulog.

"Wake up." Dinig ni Gino'ng pag gising ni Mico kay Maxine. Napatingin naman siya kay Coleen na mahimbing din ang tulog. Pinakatitigan niya ang napaka amo nitong mukha. Shit! Bakit ngayon niya lang napansin na maganda pala ang babaeng to?. lumapit siya rito at masuyong niyuyugyog ang balikat nito. Hindi niya alam kung paano ba dapat gisingin ang isang dyosang lasinggera na mahimbing na natutulog sa kalagitnaan ng ingay sa paligid.

"Hey Coleen wake up.." Paggising niya. Narinig niya ang pag ungol nito na para bang ayaw nitong gumising. "Hmmmm..."
"Man anong gagawin natin sa mga lasinggera na to?" Baling niya kay Mico na tila malalim ang iniisip.

Nagulat sila ng biglang bumangon ang dalawa at sabay na humarap sa kanila at sumuka. "Shit!" Bulaslas ni Gino habang nakatingin sa Polo niyang nasukahan ni Coleen. "Woman!" Inis na sambit niya. Bago ulit siya makapag react humiga ulit si Coleen na parang wala lang nangyari.

Napatingin siya kay Mico buhat na nito si Maxine. "Hey! San mo siya dadalhin?" Pigil niya rito. "Iuuwi ko na siya. Ikaw na ang bahala kay Coleen sige mag ingat kayo pauwi." Nag mamadaling paalam nito at nag simula nang lumakad paalis. "Sige, ingat kayo!" Nawala na sa paningin niya ang dalawa kaya naiiling na tumingin siya kay Coleen.

"Look woman. Be thankful dahil na realize ko na maganda ka naman pala.." Maingat niyang binuhat ang dalaga at mabilis na umalis sa Bar ni Hence.

Imbes na sa bahay ng dalaga dalhin, dinala niya ito sa condo niya. Mina-buti niyang sa Condo nalang niya ito dalhin kaysa naman ihatid niya ito sa sarili nitong bahay baka kung anong isipin ng mga taga doon sa kanila.

NAHIRAPAN si Mico na isakay si Maxine sa sasakyan niya dahil panay ang suka nito. Tulad nalang ngayon, nasa gilid sila ng kalsada at panay ang hagod niya sa likod ng kasintahan. Mukhang hindi ito sanay mag inom, pero bakit naman kaya ito? Nag inom?. It's either may problema ito o gusto lang nito ang mag saya. Which one? Napailing nalan siya sa naisip.

Muling sumuka si Maxine. "Shit! Bakit kaba kasi nag inom, e hindi mo naman pala kaya." Tanong niya na parang may sasagot sa kanya. Iginaya niya ang dalaga papasok sa kotse niya at ini upo ito sa passenger seat. "S-si C-coleen?" Nakapikit na tanong ni Maxine pero bago pa niya masagot ang tanong nito ay nawalan na ito ng malay. "Wag mo ng uulitin yun." Nasambit niya na lang at umikot patungo sa driver seat..

Dinala niya ang dalaga sa bahay niya, dahil kung dadalhin niya ito sa bahay nito wala itong kasama dahil wala roon ang kapatid niya. Napapailing nalang siya habang buhat buhat patungo sa kwarto niya ang dalaga, hindi siya makapaniwala na ganoon kalakas ito uminom ng alak. Dinaig pa nito ang mga taong bitbit ang problema ng mundo.

(A/N: After nitong 'special chapter' simula na ng panibagong chapter ng buhay ni Maxine new life na mga bes! Panibagong katangahan nanaman?.)

Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now