Chapter 17: Missing Him

153 3 0
                                    

TANGHALI na nang magising ako,  kaya nag madali akong pumunta sa kusina para mag luto ng breakfast namin ni Sofia kaso.....

May nakauna sa akin sa kitchen, tahimik siyang nag luluto at amoy na amoy ko kung ano man ang niluluto niya, pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaking nakatalikod mula sa akin at bigla nalang akong Napa takip ng bigbig nang malaman ko kung sino ang nag mamay ari ng likuran nayun!  Jusko naman!.
Nag simula na akong mag lakad palabas ng kitchen. 

"Yo!  Cousin!!" Naningkit ang mata ko sheemay! can I die?  There's 100 ways to die.  Pilit akong ngumiti at saka hinarap siya,  nakatingin siya sa direksyon ko at may mapang asar na ngiti ang bumabalot sa mga labi niya.

"Bakit ka narito?" Naguguluhang tanong ko,  tinanggal niya ang apron niya at dahan dahang lumapit sa akin nabubwesit talaga ako sa taong to e.

"Why? May angal ka?" Natatawang sabi niya kaya tinadyakan ko ang binti niya dahilan yun para mapangiwi siya. 

"Merun!  Bahay ko to at dapat ako ang gagamit sa kitchen na ito ako!  Ako lang naiintindihan mo ba yun kuya david?" Lumayo ako sa kanya at pinag diinan ang mga salitang yun kaya natawa siya.

"Kinuya mo pa ako kung ganyan lang naman ang pag bati mo" natatawang sabi niya, hindi pa siya nasanay sa akin? well, ganto kami mag usap parang mag ka edad lang.

"Bakit ka ba kasi narito?" iritang tanong ko kaya napangisi siya na ikinainis ko.

"Why?  Hindi ka  ba masaya na makita ang pinaka gwapo mong pinsan?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"You're my only cousin moron!" Nag simula na kong ihain ang mga niluto niya,  at halos mag laway na talaga ko sa mga itsura ng pagkain na Ito.

"You're so sweet cousin" mahina siyang natawa at tinulungan ako sa pag hahanda.  Kaya lang naman ayoko siyang nandito dahil ang lakas mang trip ng lalaking yan,  sobrang mang asar at parang araw araw sinisira ang araw ko noong elementary kami sa Maxfia academy.

"Kuya David?" Sabay kaming napatingin sa nag salita.  Si Sofia gulat na nakatingin sa amin.

"Yo.  My sweetheart cousin." Nakangiting sambit ni  David simula ngayon ayoko na siyang tawaging kuya,  patakbong lumapit sa kanya si Sofia at niyakap siya.

"Waaah!  I'd missed you kuya David!"
"Waaah!  I'd missed you too my sweetheart!!" Bakit ba ang oa nila? 

"Pwede ba para kayong mag jowa na hindi nag kita ng ilang taon" singit ko kaya sinamaan nila akong dalawa ng tingin. 

"Ay. Epal walang friends!" sinamaan ko ng tingin si David wow huh!  Ugh!  Bwesit.

"Ay. Epal walang bahay,  lumayas ka nga rito!" Napakamot siya sa batok niya.

"I won't"


"tapos mo na kaming pag silbihan kaya makakalayas kana!" Taboy ko.

"Ganun ganun lang?. wala nang libre ngayon at dahil nilutuan kita dito na ako titira." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya w-wait w-what?  Nabingi ata ako.

"A-ano?" Di makapaniwalang sabi ko kaya ngumisi siya.

"Yeah. Dito na ako titira,  daddy told me"
Nag umpisa na siyang kumain Habang ako ay hindi parin makapaniwala sa sinabi niya.

"Hoy!  Bakit hindi ka nalang tumira sa mga magulang mo?" Naiirita parin ako kahit kailangan wala talaga sa pag iisip ang lalaking to,  bakit ko ba kasi siya naging kamag anak?

"Ayaw mo nun?  May kasama na kayong gwapo,  right my sweetheart cousin?" Tumango tango si Sofia,  sige kayo nalang mag kasundo! 

"I will talk to Tito."
"You don't have to my honey,  kagustuhan niya rin to" kinikilabutan talaga ako sa mga salita niya.

Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now