Chapter 19: Pain..

158 7 0
                                    

IMINULAT ko ang mga mata ko,  saka ko lang napansin na nasa ibang kwarto ako kaya mabilis akong napabalikwas mula sa pag kakahiga ko ugh!  Napahawak ako sa sintido ko nang maramdaman kong parang mabibiyak yun.
Hindi na ako iinom!

Biglang bumukas ang pinto kaya nag salubong ang kilay ko nang makita ko kung sino yun.  Bakit nandito siya? 

"Hangover." Nakapamulsa siyang lumapit sa akin at tumabi sa gilid ng kama kung saan nakaupo ako.

"N-nasaan ako?  Bakit ka nandito?" Tanong ko ngumiti siya na ikina beastmode ko,  akala niya nakalimutan ko na yung nangyari?  akala niya madadaan niya ako sa pangiti ngiti niya?  Buwesit! 

"my house." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya at akmang tatayo na nang biglang sumakit ang ulo ko sheemay naman e.

"Bakit ba ako nandito huh!  Kinidnap mo ba ako?  nasaan si Coleen? Kasama ko siya kagabi" hinilot niya ang sintido niya.


"Easy. Hindi kita kinidnap dinala kita rito kasi wala ka namang makakasama sa inyo dahil walang tao dun,  at si Coleen?  Hinatid siya ni Gino kanina" mahina akong natawa dahil sa sinabi niya,  wow so...  May utang na loob pala ako sa lalaking to?  Pero ano daw?  Kanina?  Mabilis akong tumingin sa bintana at saka ko napag tanto na madilim pa sa labas.

"10;24 in the evening" napatingin ako sa kanya,  kumukulo ang dugo ko.


"Paano naman ako napunta sayo?" Tanong ko.  Biglang nag iba ang expression ng mukha niya.

"Bakit ka nag inom? Hindi mo ba alam na baka may mangyaring masama sa inyo kung hindi kami agad nakarating sa buwesit na bar na yun" may inis na tonong sambit niya.  Kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy!  Ikaw ang buwesit!  At kung sinusumbat mo na tinulungan mo ako o kami wow.  Edi salamat huh!  Sorry sa abala,  kasalanan niyo lang naman kung bakit na dun kami sa buwesit na bar na sinasabi mo!  Yung buwesit na sinasabi mo ang nag paramdaman ng kasiyahan sakin mula sa sakit na dinulot mong hayop ka!."
Naramdaman ko ang pag tulo ng likido sa pisngi ko kaya mabilis ko yung tinuyo pero parang kahit anong punas ko hindi iyon tumitigil sa pag agos,   nakakahiya.

"Bakit Mico?  Bakit kailangang lokohin mo ko,  may nagawa ba akong Mali?  O may nasabi?  Hindi mo ba kayang hintayin na sabihin kong mahal na kita?  Nangako ka sakin di ba?  Nangako ka na mag hihintay ka nangako ka e dapat hindi ka na ngako kung hindi mo kayang tuparin."  natahimik siya sa sinabi ko kaya Pinag susuntok ko ang dibdib niya pero iniiwasan niya lang yun.


"Ang sakit Mico ang sakit na yung boyfriend mo may ka holding hands na iba.  Alam mo ngayon ko lang to naramdaman e ngayon lang.  Sa lalaking sandali ko lang naman nakilala pero nag pakatanga agad ako,  siguro nga tama si Gino mabilis nga siguro akong mafall." Huminto ako sa pag suntok sa kanya habang siya at Tahimik lang  habang nakikinig sa mga sinasabi ko,  nakikita ko sa mga mata niya ang guilt,  umaasa ko na sana bawiin niya yung nakita ko sana sabihin niya na Mali ang iniisip ko.

"I'm sorry..." Mahina akong natawa.


"Sorry?  So totoo nga?  Totoo na niloko mo ko?  Punyeta naman Mico e. Dapat sinabi mo na may iba kana para hindi ako umaasa na may nag mamahal sakin hindi sana ako umasa at hindi sana ako nasasaktan ng ganito,  shit! hindi mo pala  deserved ang pag mamahal ko" mapait akong ngumiti.

"Sanay akong masaktan sanay akong paasahin pero sana kahit minsan nag karoon din ako ng parte sa puso mo,  kasi kahit ganoon ka ikli lang yung pinag samahan natin, Nag karoon ka ng lugar sa puso ko.." Naramdaman ko ulit ang pag agos ng luha sa mga pisngi ako tama na please.

Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now