Chapter 20: Decision

165 6 0
                                    

"Hindi. ayoko hindi pa ako handa!" Tanggi ko.  Matapos sabihin ni David na kailangan na niya akong i-training para malaman ko na kung paano patakbuhin ang company na  iiwan ni Tito. 

Oo gusto kong pamahalaan ang company ng mga magulang ko,  pero masyado pa akong bata at maaga pa para pamahalaan ko ang malaking company ng Maxfia,  paano kung mag kamali ako?  Alam ko na sa isang pag kakamali ko lang babagsak iyon at ayoko naman na mawala iyon.

"Look my honey. Kung natatakot ka na mag kamali it's okay,  wala namang perpekto  at sa umpisa lang naman yun kaya nga tutulungan kita di'ba?"  Sinalubong ko ang mga tingin niya.  Pero natatakot ako. 

"Kontento na ako sa pag oobserba,  mas gusto kong inaalam nalang ang nangyayari kaysa ako mismo ang mamamalakad nun." Napabuntong hinga na lang siya dahil sa sinabi ko.

"Pero darating din naman sa punto na ikaw rin ang hahawak ng company niyo,  at habang maaga pa dapat malaman mo na ang lahat.".


 "It's too early." Sambit ko.

" At first it's hard.  Pero at the end of the day para siyang nasa list mo ng goals mo pag natapos mo ang trabaho, ang sarap sa pakiramdam na isiping sa murang edad nakayanan mong hawakan ang isang napaka laking kompanya." Ngumiti siya.  Hindi ko naisip na kaya niyang gawin yun,  kaya niyang pag sabayin ang pag aaral at pag papatakbo ng malaking company,  wow.

"I admired you.  Pero I am not ready.." Nakita kong bumagsak ang balikat niya. |


"Fine.  Pero mag kakaroon tayo ng deal." Kunot noo ko siyang tinignan.


"Deal?".


"Yeah.  At the age of twenty one ikaw na mismo ang mag sasabing hahawakan mo na ang company niyo deal?." Napaisip ako sa sinabi niya,  eee twenty one?  Well my two years ako para mag handa,  Yey!  Haha ayos na rin yun.  Bakit ba ang bait ng hinayupak kong pinsan? 

"Deal. Pero paano yan?  Sinong hahawak sa company?" Takang tanong ko.  kung aalis na si Tito George at hindi naman ako pumayag sino nang hahawak nun?  Hindi kaya malugi ang company namin?

"I'm the one,  no worries." Ngumisi siya.


"e.  Paano yun?  di'ba ikaw rin ang humahawak ng nasa Europe?".


 "Yeah.  Merun kaya akong sekretaryang ubod ng sipag." Ngumisi siya.  Iba yung kislap sa mga mata niya nang sabihin niya yun.

"Okay.  wag kang mag alala  tutulungan kita kahit papaano." mahina akong natawa nang biglang nag dilim ang awra niya.
"No!  ibibigay ko sayo ang natitirang taon para maging handa, ako na ang bahala sa lahat basta  ayusin mo ang pag aaral mo kung ayaw mong ipatapon kita sa Mars" pinigilan ko ang pag tawa dahil sa itsura niya G na G e. 

"Easy.  But seriously maraming salamat...  Kuya.." Nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Ang weird! 


 "Nag pasalamat ka?  Tapos tinawag mo pa akong kuya?  Woah.  It's a miracle!" Tumayo siya at nag patalon talon pa weird talaga.

"Tsk. last na yun" Mahina siyang natawa.  "Yeah.  Mas gusto kong tawagin mo akong David at gusto kong tawagin kang My Honey." Kumindat siya kaya tumayo ako at binatukan siya. 

 "Yan.  Yan ang wag mong itatawag sa akin.".

 "Dahil binatukan mo ako,  yan ang itatawag ko sayo.  My honey." Pinag diinan niya yung huli niyang sinabi.

Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now