Chapter 20

3.3K 38 8
                                    

Chapter 20
Something

"Kaloka. Walang magandang palabas. Download nalang tayo. Ayaw niyo marathon ng 'We got married?'" Wala kasi kaming mapiling magandang panoorin. Action themed kasi tsaka indie films. Kaya ayan nagsasuggest Kpoppers.

"Ay gusto ko yan girl. Yongseo please. The best! Pinakacute sila sa lahat." sang ayon sa kanya ni Rishelle. Sila kasi yung magkakasundo sa kpop na yan.

"Ay hindi, hindi. Dapat Khuntoria o kaya Adam couple. Sila kaya pinakanakakaenjoy. " singit ni Isabelle. Seryoso. Magulo ito.

"Pwede lang ako kung emergency couple papanoorin. Wala ng iba." Grabe naman ang mga suggestions, walang katapusan.

"Weekly idol nalang guys. O kaya Runningman. Baka kidnappin na ako ni Nathan sa kalagitnaan pag series pinanood natin." Kasi ganun yun. Minsan ang sama ng ugali. Bigla lang ako hinahatak. Akala mo naman pinagdadamot ako parati.

"Oo nga sige. At least pag runningman pwedeng iba ibang idol iopen pwede." pumayag na silang lahat kaya pumunta na kami sa bahay nila Juaren kasi yun pinakamalapit dito sa movie house.

Tawa sila ng tawa habang sumasayaw si Jungkook ng sayaw ng mga babaeng idol group. Ang cute cute niya kasi.

Nasa kusina kami ni Juaren para ayusin yung snacks namin habang nanonood nung magvibrate ang cellphone ko.

From: Nathan
Bee, San ka? Date tayo. Pauwi na kami. Miss you ;)

Nasa bahay kami nina Juaren. Gaano katagal biyahe niyo?

From: Nathan
Sige. Sunduin kita ka namin ni manong dyan. Siguro mga 1 oras pa. Why? Missed me too much?

Asa Nate ha. I'm just asking para alam ko magpaalam sa friends ko.

From: Nathan
You don't miss me? Kahit konti? :3

Won't text it >~<

From: Nathan
Sige. Won't text you nalang kasi.

And so he did. Nagpapamiss. Minsan nagdududa na talaga ako kung "genius" ba talaga siya. Sabagay yung sabi nila yung mga intellectually gifted daw na mga tao, underdeveloped sa ibang areas so that must be the reason.

Busy kaming nanonood ng "Weekly idol" nung magcall siya na nasa labas na daw sya. Nagpaalam nako sa mga kaibigan ko tsaka lumabas na. Pagkakita ko palang sa kanya na nasa labas ng kotse, tumakbo nako papunta sa kanya. Surprisingly, namiss ko talaga sya.

Yinakap niya rin naman ako kaagad tsaka sinabi na namiss niya ako. Seriously, we act like a lovesick couple whereas trial lang talaga dapat to. Should I be worried?

That, I can't. Nathan's too precious. I've grew fond of his presence. And he has become one of my comfort zones. And I don't walk out of my comfort zones. I'm afraid of risks, of heartbreaks, of pain. Kaya nga ganito ako, I don't fully commit kahit there would always come a time when they'll leave you, person or thing. The only permanent things are abstract things.

Pinapasok niya na ako sa passenger seat katabi niya. Pumunta muna kami sa bahay kasi papacheck up ko si Fifi. Nagsusuka kasi siya. Niloloko nga ako, buntis daw sya. Gosh! Lalaki si Fifi. Di sya mabubuntis.

Iniwan namin si Fifi sa pet clinic tsaka kami pumunta sa school nina Aleyna. Wala kasing magsusundo sa kanya dahil dala nina tito yung mga driver nila. Out of town business appointments.

Umikot muna kami sa school nina Aley kasi hindi pa nila labasan.

"Tingin mo, aabot tayo sa anak naman natin ang susunduin natin dito?" Anak agad? High school palang kami. Moreso, one week lagpas palang kami. Layo na ng narating niya.

"Hindi. Nathan... Diba alam mo naman? Try lang to. Pangarap ko pa ring maging magandang dalaga na may isang anak. Ayoko ng asawa." atsaka kung magbabago yung isip ko, pwede naman. Nathan has been nothing but a great guy. No issues. Kung makoconquer ko yung commitment issues ko, I might as well pick him. Pero dahil ayoko magcommit, magdusa siya.

"Alam mo? Ang weirdo mo. " I know Nathan, I seriously know.

" Gusto mo naman" biro ko.

"Babaliin ko yang pangarap mo. I'd show you that a woman needs a man. Though skeptic pa ako sa possibility ng love, I like you naman so I can live with that. You can always be my lifelong companion. I won't mind."

"Wow ha. You make it sound like napipilitan ka lang" with that he burst out laughing.

"You're too cute. I won't even think of letting you go. Tanggapin mo nalang. You'll end up marrying me" he proudly suggested and ended it with a wink.

He really is something.

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon