Chapter 63

1.7K 26 20
                                    

Chapter 63

Choice

 'I'm physically here, yes... but my heart, mind and soul are left in the Philippines. If only I could go back...' Pesteng status yan! Hindi mawala-wala sa utak ko. Tristannnnnn. 

"Hoy Beary! Lumabas ka naman diyan! Kung nandito lang si Nathan, naku! Ui si Tristan yan ah!" at inagaw nga ng ate ko ang laptop ko. Sinilip ko lang naman ang twitter ni Tristan eh! Tapos malaman laman kong... ganyan pala! "Bakit parang namamayat to? Pero in fairness, bagay sa kanya ang bagong haircut ah. " hay naku! Ako nga di ko pa nakikita mga latest picture niya tapos ganyan. "

Ay sis! Nakauwi na si mommy , at nag-uwi siya ng maraming strawberries. Matamis! Tara kumain na tayo, marami pa siyang pasalubong dun..." napansin ata niyang wala akong gana kaya tumigil siya. 

"Gaga ka talaga! Si Demi Lovato nga, may 'I was compulsively overeating when I was eight years old.' eh tapos ikaw! Gayahin mo nga yung eight years old na Ddlovato! " singhal niya sa akin. Grabe talaga ang babeng to kahit kailan! Nagyaya siyang kumain sa isang walang gana. Naku!Tsaka ano ngayon kung wala dito si Nathan? Eh di siya na nasa Hongkong para sa isang business appointment! Ano namang paki ko di ba?

Eh itong si Tristan nga, ang daming picture kasama ang iba't ibang babae na mga teenager pa ata tapos ngiting ngiti pa. Tapos nabasa niyo naman siguro di ba? Gwumapo siya sa bagong gupit niya kahit medyo namayat siya! Grabe na to. Nagpapagwapo ba siya kaya siya pumayat o broken hearted din siyang tulad ko na madalas walang ganang kumain? Hindi ko na alam! Basta ang alam ko... masakit. Dumapa ako sa kama, tinakpan ang mukha ko at sumigaw. "aaaaaaaaaaaaaaaah" nakakafrustrate naman talaga! Gustong gusto ko na siyang makausap. Parati nga siyang tumatawag pero gusto ko mag-usap kami sa personal. Ilang beses na din sinagot ko ang tawag niya pero hindi ako nagsasalita... baka maiyak ako. Boses palang nga niya, gustung gusto ko ng lumipad pa-Germany tapos yakapin at halikan siya. 

"Parang baliw! Tara na kasi at kumain!" hila sa akin ng ate ko. Nagpahila na ako pero hindi ko talaga kayang kumain. Nakakamiss naman kasi! Bakit ba kasi ako sinanay ni Tristan na siya nagluluto ng breakfast ko tapos sabay pa kami? 

----

"Mmy! Uwi na ako sa bahay ko ha? Masyado na akong nagpapakaprinsesa dito. Yung bahay ko baka madumi na" Hayyy.  Tristan! PAti sa kalinisan ng bahay, ikaw naalala ko. Bakit kasi ang dami mong habilin! Naku... ang hirap nang iniispoil ng boyfriend! Pag nagbebreak kayo, namimiss mo lahat! 

"NAKAKAIYAK!" andito ako ngayon da duyan ko sa garden. Nakuuuuuu! Tristan na naman. Ang bahay na ito, puro Tristan ang nakikita ko... Anebe! 

Meow~ 

"Ay pusang gala!" Nabigla ako nung biglang mag meow si Fifi tapos kinukuskus yung ulo niya sa legs ko. Naalala niyo pa siya? Ang aking pinakamatabang pusang pinakamamahal. Niyakap ko ng mahigpit si Fifi tapos nagpumiglas siya. Muntik pa akong kalmutin. huhuhu. Mas mahal niya kasi si Tristan! Matanda na nga't uugud ugud na, ganito pa rin siya! 9 years old na si Fifi eh... wala siyang anak. Lalaki to eh! At hindi nakadisgrasya ng kahi sinong pusa sa labas. Pihikan ang beybe Fifi ko. 

(a/n: sa mga hindi nakakaalala sa kanya, siya yung pusa ni Beary na kasama niya sa park nung una silang nagkita ni Aleyna. Walang masyadong exposure si pussycat kasi tamad siya. Mas gustung kumain kesa magparamdam sa amo niya. )

Nilalambing ko si Fifi nung biglang may nagdoorbell. Mailman. May binigay siyang envelope tapos pinapirmahan and then nagflylalu na siya. 

Bubuksan ko pa lang sana yung envelope nung tumawag si Nathan.

"Hello, Bee. Miss na kita! Date tayo pagbalik ko ha?" malambing na sab niya. 

"Miss ka diyan! Ayoko makipagdate. Brokenhearted ako. " sabi ko. Syempre! Alam ko naman yung three-month rule ano. Kakabreak palang namin galing sa 3 years na relasyon tapos makikipag-date ako kagad, sa EX ko pa! No, no, no, no...

"Ang daya naman! Hindi mo talaga ako namiss? Ako kasi, miss na miss na miss na miss na miss na kita!" kahit di ko nakikita, hulaan ko, nakapout tong taong to!

"HA! Hindi talaga! Ikaw Nathan, ginagamitan mo ako ng ganyan ha. Wag ka ngang playboy!" ganti ko sa hrit niya. 

"Correction... DATING PLAYBOY. Pakipot ka pa, Bee... alam ko namang masaya ka pag kasama ako eh!---"

"Syempre pinapasaya mo ako!" pinutol ko ang sasabihin niya pero nagulat ako sa nasabi ko. Tingin ko pati siya kasi pagkatapos pa ng ilang segundo bago siya tumawa. 

"Sabi ko na nga ba! Mahal mo pa ako eh. Napapasaya ba talaga kita?..." Ang saya ng tono niya... parang... kinikilig? Napatawa ako sa naisip ko,  Asa! "...at dahil napapasaya ko naman pala ang duguan mong puso, mag-de-date tayo pagbalik ko sa makalawa. Bye, Bee. I miss you!" sabi niya tsaka binaba na ang tawag. Sira ulo talaga! 

Muntik ko ng makalimutan ang hawak kong envelope. Binuksan ko yun at nakakita ng isang VIP ticket sa isang piano recital. May backstage pass pa nga eh. Tiningnan ko kung may kasama pa... di ako nabigo kasi may note nga:

Wifey, 

Please...pumunta ka diyan sa recital ko. I'm home by then. 

I miss you so much. I can't wait to see you... hug you... kiss you. 

P.S. All the pieces that I'll be playing is dedicated to my heart... to you. 

I love you so much.

-Tristan Dominic Lim

Your soon-to-be husband

Ayan na naman ang mainit na pakiramdam na bumabalot sa puso ko. Hindi ko maexplain pero excited ako na makita ulit siya pero may nararamdaman din akong pagdadalawang isip.

Magkikita kami sa makalawa! Oh my God! Nagdidiwang ang puso ko... Nagdidiwang ang buong pagkatao ko nung biglang nagsalita si Nathan sa isip ko. 

"..at dahil napapasaya ko naman pala ang duguan mong puso, mag-de-date tayo pagbalik ko sa makalawa. Bye, Bee. I miss you!"

Oh my Golly Gosh. Paano ba to, sinong pipiliin ko, si Tristan o si Nathan? Tama! Kung sino nalang ang nauna. Teka paano yun?

Kung iisiping mabuti... si Tristan ang nauna. Kasi for sure dati pa niya yan naihulog sa mailbox. Pero kasi, mas una kong nalaman yung invitation ni Nathan... 

Sino ang dapat kong piliin?!

Helpppp! 

Mr. Casanova cured my love phobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon